Alexa: ‘nakita ko siya mag-grow as a person and as an actor’

Nagsimula ang tambalan at magandang samahan nina Alexa Ilacad at KD Estrada mula nang naging housemates sa ‘Pinoy Big Brother Kumunity’ Edition noong 2021. Tinangkilik ng mga tagahanga ang kabi-kabilang proyektong nagawa nina Alexa at KD. “Honestly, nothing much has changed. I think we’re still the same, like how we listen to each other. I think it’s still the same. So we evolved in a way na it got better. And we know when things are about to get heated na, we just stop. We take a breather,” nakangiting pahayag ni Alexa sa ABS-CBN News.
Nagsusuportahan ang isa’t isa pagdating sa trabaho. Teamwork umano ang sikreto ng tambalang KDLex kaya patuloy na tinatangkilik ng mga tagahanga. “We just give each other our time to shine. ‘Okay, ideas mo na muna, then okay. Ikaw naman, panay ako na.’ So ‘yon, gano’n talaga ‘yung teamwork, ‘yung dynamics naming dalawa,” giit ng dalaga.
Ayon kay Alexa ay malaki ng ang ipinagbago ni KD bilang isang aktor. Huling nagkatambal sa pelikulang ‘Co-Love’ ang KDLex na naipalabas sa Cinemalaya Film Festival 2025 kamakailan. “I really enjoy doing ‘Co-Love’ kasi I really saw KD like in his own life talaga. Nakita ko na kung gaano siya kaseryoso talaga sa ginagawa niya. How he’s very willing to learn, and how he wants to keep growing as an actor, and hinangaan ko siya. Napansin ko rin na ‘yung rapport namin, parang okay lang din sa akin to stay at the back and just watch him shine. And it actually, felt really nice. Nakita ko siya na mag-grow talaga as a person and as an actor,” pagbabahagi ni Kapamilya actress.
Elijah, tumutulong sa may mental health problem
Kamakailan ay ginanap ang ikalawang ‘JM Canlas Badminton Cup’ na pinangunahan ni Elijah Canlas. Ginagawa ito ng aktor bilang paggunita sa pagkamatay ng kapatid na si Jamile Matthew o JM Canlas magdadalawang taon na ang nakalilipas. Noong nabubuhay pa ay mahilig ang namayapang kapatid ni Elijah sa paglalaro ng badminton. Katuwang ng pamilya ng aktor ang KULIT o Kalinga, Unawa at Linang sa Isip at Taglay sa pagtulong sa mga kabataang nakararanas ng depresyon o suliranin sa mental health. “Gusto naming pro-active, gusto naming madami kaming matulungan like teens who are struggling with their mental health, parents who don’t really understand what mental health is,” paglalahad ni Elijah.
Matatandaang may kinalaman din sa mental health ang naging sanhi nang pagpanaw ng nakababatang kapatid ng aktor. Labingpitong taong gulang lamang si JM noon. “We formed this organization, the KULIT foundation. It’s a non-profit organization that deals a lot with teens and adolescents and their mental health issues. We hold seminars, therapies, workshops, and just educating people in general with the help of mental health professionals. And itong badminton cup is a way of raising funds to do those programs,” pagdedetalye ng binata. — Reports from JCC
- Latest