Pope Francis, hindi fake news ang pagpanaw

Kaloka ang fake news ngayon.
Minsan talaga, mabibiktima ka.
Kaya naman magandang chika ang napanood ko kahapon na nasa radar ng Malacañang ang grupong Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ng Philippine National Police (PNP).
Panahon na upang magkaroon ng ganyang committee para naman matakot ang mga gumagawa ng fake news na ginagawang hanap-buhay ng iba.
Nakakaloka, talagang pag-aanga-anga ka, mapapaniwala kang totoo ang fake news nila.
Kaya dapat palakasin ang kampanya laban sa fake news at tuluyang mawala ito.
Talamak ang fake news sa ating bansa at talagang nakakawindang.
Nakakasira na rin sila ng buhay kaya dapat na talaga silang supilin.
Panahon na para makialam ang ating gobyerno upang mapigilan ang mga kagagahan ng mga nagkakalat ng kung anu-anong balita.
Hay naku! Parusahan ‘yang mga ‘yan.
Dasal ko na mabura sa social media ang mga ganyang tao na ginagawang tambayan ang paggawa ng mga content na peke.
Lalo na ngayong malapit na ang eleksyon, naaawa ako sa mga kandidatong nabibiktima nila.
Nagkakalat sila ng mga maling impormasyon para atakihin ang mga kalaban ng kanilang ikinakampanya.
Maraming legit na media outlets. ‘Yun na lang ang basahin natin.
Pero ang hindi fake news ay ang pagkamatay ni Pope Francis.
Grabe, talagang sunud-sunod ang mga namamayapa. Nakalulungkot, parang andun lang siya sa St. Peter’s Square pagkaraan ng ilang buwan na may mga problema siya sa kalusugan.
Napanood ko na kumakaway pa siya sa mga bisita sa Basilica habang itinutulak ng mga attendant ang kanyang wheelchair at may maliit na nasal hose siya para makatanggap ng karagdagang oxygen, na ipinakita sa video.
Rest in Paradise, Pope Francis.
- Latest