^

PSN Showbiz

Ate Guy, ihahatid na sa libingan ng mga Bayani

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, ihahatid na sa libingan ng mga Bayani
Ayon kay Ian de Leon, dapat mag-alas dose ng tanghali ay nailibing na ang kanilang ina sa Libingan ng mga Bayani.

Ngayong araw na ihahatid sa huling hantungan ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Ayon kay Ian de Leon, dapat mag-alas dose ng tanghali ay nailibing na ang kanilang ina sa Libingan ng mga Bayani.

Kaya maaga pa lang ay dadalhin na ito sa Metropolitan Theater para sa State’s Necrological Service na in-organize ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Bahagi ng press announcement na ipinadala nila kahapon;

“Arrival honors will begin at 8:30 AM, followed by a tribute program at 9:00AM.

“The state funeral rits will continue at the Libi­ngan ng mga Bayani in Taguig City.”

Limited lang ang mga upuan, kaya kailangang may accreditation pass sa media na gustong mag-cover.

Pero sa hindi makakadalo sa naturang parangal, puwede naman mapanood sa live streaming ng CCP at NCCA Facebook pages.

Nagkaroon naman ng Eulogy kagabi na in-organize naman ng mga film directors ng DGPI.

Nagmisa muna sa hapon, at sinundan ito ng Eulogy na kinailangang matapos nang maaga para makapaghanda pa sa pagdala nito sa Metropolitan Theater kinabukasan.

Hindi lang dito sa atin, kundi pati sa Bicol ay ipinagdalamhati rin ang pagpanaw ng kanilang kababayang si Ms. Nora Aunor.

Nagkaroon din ng vigil kagabi sa Iriga City na pinangunahan ng kanilang alkaldeng si Mayor Wilfredo Rex Oliva.

Nakapunta pa kami sa Iriga noong taong 2018, at nakita pa namin doon ang kanilang Nora Aunor’s nook sa kanilang library.

Maliit lang ang lugar na iyun na parang museum sa namayapang superstar.

Napuntahan din namin ang kanilang tahanan sa Bicol, pero hindi na iyun pag-aari nina Ate Guy.

Meron ding istatwa doon si Nora sa kanilang train station na parang ginawang landmark dahil doon dati nagtitinda ng tubig sa riles ng tren si Nora Aunor.

Gusto pa sana ni Mayor Oliva na pumunta sa Heritage Memorial Park para personal na makiramay sa mga anak ni Nora, pero wala na siyang nakuhang available flight pa-Maynila at gusto na rin niyang sumama sa vigil na ginanap sa Plaza Rizal ng Iriga City, Camarines Sur.

Gina kumikita na rin sa live selling

Ang haba nang tsikahan namin ni Direk Gina Alajar sa burol ni Ate Guy.

Ibinahagi niya kung paano sila nagkaayos ng superstar nang magkaroon sila nang falling out nung ginawa nila ang Andrea, Paano Bang Maging Isang Ina.

Natuwa raw siyang pumayag si Nora na idirek niya ito sa drama series ng ng GMA 7 na Onanay kasama si Jo Berry.

Sumaya ang tsikahan namin nang tinanong ko siya tungkol sa pagla-live selling niya sa TikTok.

“Pangarap ko siya talaga.

“Nakita ko yan sa social media. Sabi ko, ‘gusto kong pag-aralan ito. Parang ano, kaya ito? ko kaya ito,” bulalas ni Direk Gina Alajar.

“Pero all my life, merong mga nag-aalok sa aking mga networking, may nag-aalok sa akin na magbenta ng ganito, ganyan. Ayoko talaga magbenta, kasi wala akong talent sa pagbebenta, ‘di ba?

“Ito parang ano…ako kaya ito? Ano kayang magic ito? So tinray ko lang. Ang susi ng lahat si Che Ramos-Cosio,” natatawa niyang pahayag.

Si Che Ramos ay ang character actress na napapanood natin sa ilang drama series sa telebisyon at kasama siya sa Abot Kamay Na Pangarap.              “Si Che, sabi niya ‘gusto mo ba? Gusto mo ba? Tapos sabi ko, ‘oo. Gusto ko. Gusto kong i-try.

“Ayun, nag-isang ano, nag-isang live. Dasal talaga ako nang dasal. ‘Lord please, madami sanang mag-attend nung live. Madami po sanang bumili, ganyan ganyan.

“So, ngayon nakaka-tatlong live na ako at….well, hindi pa naman 6 digits. Kasi….alam mo mahirap siya e. Dahil kailangan mong i-build up yung followers mo,” sabi pa ni Direk Gina.

Isang brand ng supplement o health drink ang binebenta ni Direk Gina sa TikTok, at ang ikinatuwa niya, lumakas na raw ito sa live selling.

“When I started doing live and selling that, umaangat siya. Umaangat nang umaangat, at hinahanap na ng mga tao. And lo and behold, ginawa ng Week  7, hindi ka makakabili ng Spirulina sa iba. Kasi in-exclusive nila sa akin,” masayang balita niya sa amin.

Tatlong oras daw iyung pag-live selling niya, at mabuti na meron naman daw siyang magaling na assistant na parang co-host niya.

“Magaling yung kasama ko e. Alam niya pag napapagod na ako, siya na yung daldal nang daldal.

“Pareho kami ni Matet ng product. Si Matet ay Barley, at si Matet yuma­man na diyan,” saad ni Direk Gina.

Nabanggit din sa amin ni Matet na kapag wala raw siyang taping o shooting, ginagawa raw niyang mag-live selling dahil ang laking tulong din daw sa mga daily expenses nila dahil nag-aaral pa raw ang kanilang anak.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with