^

PSN Showbiz

Charo Santos-Concio, pinarangalan ng lifetime achievement award ng FDCP

Pilipino Star Ngayon
Charo Santos-Concio, pinarangalan ng lifetime achievement award ng FDCP
Charo Santos-Concio

Ginawaran ng Parangal ng Sining Lifetime Achievement award ang multi-awarded actress at executive na si Charo Santos-Concio ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kanyang huwarang kontribusyon sa industriya ng pelikula sa bansa.

Kinilala ang da­ting presidente at CEO ng ABS-CBN para sa kanyang husay at kontribus­yon sa industriya.

“Her remarkable journey—from a celebrated actress to a pioneering producer and transformative media executive—has redefined storytelling and elevated Filipino cinema to new heights. Her legacy continues to inspire and empower generations of filmmakers and audiences, both locally and on the global stage,” ayon sa social media post ng FDCP.

Ang head ng ABS-CBN Entertainment Production at Star Magic na si Laurenti Dyogi ang nagpresenta ng parangal para kay Charo.

Unang naging bahagi ng ABS-CBN si Charo noong 1987 bilang production consultant. Naging presidente siya ng ABS-CBN noong 2008. Tumanggap din siya ng ilang pagkilala tulad ng 2019 FAMAS Lifetime Achievement Award, 2014 Gold Stevie Award sa Female Executive of the Year in Asia, Australia, o New Zealand cate­gory, 2014 Gold Asia Pacific Stevie Award sa Woman of the Year category para sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea), at 2013 Lifetime Achievement Award sa 21st Golden Dove Awards.

Inaabangan na rin ang pagbabalik ng MMK sa Abril 24 na unang ipapalabas ang kwento ng buhay ni Tawag ng Tanghalan alum at The Voice USA season 26 winner Sofronio Vasquez.

MTRCB, nakapagrebyu ng mahigit 23,000 na materyal nung Marso

Sa hangad nitong protektahan ang mga manonood, umabot sa 23,217 materials ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Marso 2025:

Programa sa Telebisyon 11,423

TV Plugs at Trailers 11,527

Optical Media, Movie Trailers, and

Publicity Materials 203

Pelikula (Lokal at Internasyunal) 64

Mas malaki ang bilang na iyan kumpara sa 18,811 sa parehong buwan noong 2024.

“Kami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpu’t isang Board Members,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.

“Magandang senyales ito na nanunumbalik at umuunlad na muli ang industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.”

Ayon pa sa MTRCB, nagpapakita ito ng malalim na dedikasyon ng Ahensya na matiyak na ligtas ang mga panoorin habang nirerespeto ng Board ang kalayaan sa pamamahayag.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with