Kyline, tinapos na ang lahat kay Kobe?!
TSINEK namin ang Instagram ni Kyline Alcantara kung true na nag-unfollow na siya sa Instagram ni Kobe Paras. Eh sa milyong followers ng Kapuso actress, napagod kaming isa-isahin ang pina-follow niya kaya sa IG na ni Kobe kami pumunta.
Nakita naming pina-follow pa ni Kobe si Kyline, huh! Hoping against hope? Hahaha!
Walang pang pag-amin sa showbiz couple kung sila pa rin o hiwalay na. Tanging ang ama ni Kobe na si Benjie Paras ang nagbitiw ng salitang, “Sila pa rin!”
Eh ‘yung pag-unfollow ni Kyline kay Kobe, that says it all, huh!
Jericho, may paandar din sa wake ni Ate Guy?
SA lamay pa ng lola ni Janine Gutierrez na si Pilita Corrales idineklara ni Jericho Rosales na boyfriend na siya ng aktres.
Naku, binago man lang sana ni Echo ang scenario. Nagluluksa si Janine kaya bittersweet ang tiyak na naramdaman niya sa ginawang pag-amin ng boyfriend.
Ngayong tapos na ang lamay ni Pilita, ang Lola Nora Aunor naman ni Janine ang nakaburol hanggang kagabi.
Ano naman kayang paandar ang ginawa ni Echo sa last night ng superstar?
Dantes squad, nag-recharge sa Japan
NAGDAOS ng Easter Sunday ang pamilya Dantes sa Japan. Walang location na inilabas si Marian Rivera sa nirepost niyang photos sa socmed ng asawang si Dingdong Dantes sa kanyang social media accounts.
Pero sa comments section, sinabi ng followers niyang sa Fukuoka , Japan ang lokasyon ng mag-anak.
By the lake and under the tree ang pictures na ipinakita ni Yan. Kita ang enjoyment sa dalawang anak lalo na’t malapit na rin ang pasukan nila.
- Latest