John Rendez ‘di mapigil ang luha, naging ‘popular’ sa social media nang ipahayag ang sobrang pagmamahal kay Ate Guy

‘Popular’ kahapon si John Rendez dahil sa post niyang mahal na mahal niya ang kanyang ‘Pupoy’ (Ate Guy).
Madamdamin ang kanyang deklarasyon ng pagmamahal sa namayapang National Artist at Superstar.
Sabi niya sa mahabang post : “Ganda ng pupoy ko; “Hindi ko na mapigil ang luha ko, Sa sobrang kalungkutan ko
“Wala na akong magagawa, At wala rin akong magawa; “Dati ako ang kasama mo palagi, Maski saan lakad mo lagi mo akong kasama sa iyong paglakbay
“Hindi kita po malilimutan po; Lagi kang na sa puso ko at isip ko
“They can never take that away from me; My cherised memories of you and I
“And yung mga mahal mong fans at noranians; Yung mga payo mo sinusunod ko kasi ang lagi mong iniisip ang mabuting kalagayan ko
“Ayaw mo ako mapahiya sa mata ng tao; Wala na po akong nagawang tama sa kanilang mata
“Ang pinamagandang ginawa ko ay ang nagmahal sa isang bituin; Dito Sa lupa; Ngayon na sa langit ka na
“Hindi na kita mayakap; Halikan sa noo; Sa pisngi
“Never na kita muli maawitan ng “you are my sunshine” na ginawa kong; You are my Puypoy; My only Puypoy
“You make me happy; When skies are grey
“Youll never know dear; How much i yuyuyu
“Please dont take my pupoy; Away”
“Lagi mo akong gabayan po; Mahal na mahal kita pupoy ko
“They can never take that away from me; In Gods Hands na Pupoy ko
“In Gods Hands po.”
Samantala, kaagad na nagpasalamat si Lotlot de Leon sa tribute ni Michael V. sa Superstar at National Artist for Film and Visual Arts.
Gumawa nga ng sketch si Michael V. upang papurihan si Ate Guy.
“Sometime in the 90s, narinig ko from the legendary Rico J. Puno kung pa’no maging “superstar” sa Philippine entertainment industry and he said there are 5 requirements:
“1. Dapat number one sa ratings ang TV show mo.
“2. Dapat blockbuster sa takilya ang movie mo.
“3. Dapat nasa playlist ng radio stations ang mga kanta mo.
“4. Dapat sold out ang concerts mo.
“5. Dapat maganda ang reviews ng theater/stage plays mo.
“Ang hirap, ‘di ba?
“Iisa lang ang kilala ko sa showbiz na na-achieve LAHAT ito SIMULTANEOUSLY at one point in her career…
“Si Nora Aunor lang.
“May iba pa ba kayong kilala in this generation sa industriya natin na kayang pumantay sa achievement n’ya?
“I seriously doubt it.
“Rest in peace, Superstar.”
Samantala, may tribute rin ang Regal Entertainment kay Ate Guy.
Magkakaroon sila ng movie marathon ng kanyang mga hindi malilimutang pelikula sa YouTube channel na nag-umpisa na kahapon.
Si Ruffa Gutierrez naman ay may pa-throwback sa kanilang souvenir photo sa Malaysia.
Aniya sa kanyang post kahapon : “Throwback to April 11, 2015 — Honored to have witnessed the legendary Miss Nora Aunor receive a Lifetime Achievement Award at the ASEAN International Film Festival in Sarawak, Malaysia.
“Your immense contribution to Philippine cinema will never be forgotten. Rest in peace, Superstar.”
Si Ate Guy ay ipinanganak na si Nora Cabaltera Villamayor, na unang nanggulat nung nanalo sa Tawag ng Tanghalan noong 1967.
Hanggang nakilala siyang ka-love team ni Tirso Cruz III sa Guy and Pip.
At kabilang sa hindi niya malilimutang pelikula ang Himala, Bona, Minsa’y Isang Gamu-Gamo at marami pang iba.
- Latest