^

PSN Showbiz

1621, mas apaw na ang confidence

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
1621, mas apaw na ang confidence
1621
STAR/ File

Mas magaling na ngayong mag-perform ang P-pop group na 1621.

I mean, kesa nung una silang ipakilala more than a year ago.

Sa launching ng kanilang second EP na Sapulso, iba na ang energy ng grupo, mas may landi at mas magaling na silang sumayaw. Umaapaw na rin ang confidence.

Ginanap ang launching ng kanilang second EP sa Holic Dance and Night Club in Quezon City bago ang nakalipas na Holy Week.

Nag-umpisa silang tumapang sa kanilang comeback single na Bagamundo.

Ibinahagi that time ng mga miyembro na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ sa awitin ang mensahe ng pagiging matatag sa gitna ng mga hamon at patuloy na pagsusumikap para makamit ang kanilang pangarap.

“It’s about a story of achieving one’s dream through years of travel and developing the most interesting individual characters who strive hard pursuing their dream of becoming somebody someday,” saad ng grupo.

Matapos maging bahagi ng idol survival reality show na Dream Maker, inilunsad ng 1621 ang kanilang self-titled debut EP tampok ang key track na Laruan noong 2023 kung saan nabuo ang pangalan ng grupo mula sa angel manifestation number na 1621 na nagpapahiwatig ng pag-abot sa mga pangarap.

1621BC ang dating pangalan nila, pero sa kanilang bagong EP, tinanggal na nila ang BC na galing sa katagang beyond complete.

Anyway, sa launching nga ng Sapulso kung saan dumagsa ang kanilang Guardians (tawag sa kanilang fans and followers), kinanta rin nila ang iba pa nilang songs tulad ng Stuck, Maria, Bagamundo at Bababa na bahagi ng second EP nilang Diwata at Secret.

“Simple lang po ito kasi lahat ng songs sa EP namin, sapul at namin. So kapag in love ka, kapag may crush ka ganon sapul sa puso, kaya Sapulso,” paliwanag ng isa sa miyembro ng grupo, si DJ.

“Siguro from the first EP, at that point parang hinahanap pa namin ‘yung sound namin. So, we tried different styles, different genres.

“Maybe ‘yung advantage namin sa second EP namin is nahanap na namin ‘yung sound namin. Parang this is us as 1621. ‘Pag may song kami, parang ‘ah ito sila.’ Nahanap na namin ‘yung identity namin, parang nahanap namin ‘yung song namin,” sabi naman ni Pan sa mga andung writer bago nila ipinarinig sa isang mini show ng group.

Aminado rin sila nag-explore sila sa ibang genres. “We did try ‘yung mga Bagamundo, ‘yung mga dark concepts, and then we did bubblegum pop songs.

“So actually, dito po talaga namin na-receive ‘yung reaction ng mga supporters from social media platforms na ‘bagay sa kanila mga ganitong songs, ito ‘yung song na nagsu-suit talaga sa kanila.’

So doon po namin na-realize na ‘ah oo nga naman, ‘yun talaga ‘yung song namin’ kasi pag-pinerform po namin para mas confident, comfortable kami,” sabi pa ni DJ.

Nakatanggap na sila ng special award bilang PPOP Potential sa PPOP Music Awards noong Disyembre 28. Nakasama rin sila sa Best of P-pop On The Rise playlist ng Spotify.

Anyway, hindi naman namin nakausap pero, obvious na fan ng 1621 si Jillian Ward na andun sa launching ng Sapulso na sa kasalukuyan ay may 200,000 streams na sa Spotify.

Habang ang kanilang Bababa dance challenge ay consistent sa pagti-trending sa TikTok kung saan ang dami nang celebrity ang gumawa ng sariling version nito.

Liwanag Sa Dilim, extended!

Dahil sa tagumpay nito, extended hanggang May 3 ang hit Filipino musical na  Liwanag Sa Dilim, tampok ang mga awitin ni Rico Blanco, sa RCBC Plaza, Makati City.

Patuloy na mapapanood dito ang Sparkle artists na sina Anthony Rosaldo, Rita Daniela, Khalil Ramos, at Brianna Bunagan.

Kasama rin sa cast sina Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Raul Montesa, Rica Laguardia, Lani Ligot, Jasper Jimenez, Mark Tayag, Derrick Gozos, Chez Cuenca, Paji Arceo, Iya Villanueva, Lucylle Tan at Denzel Chang.

1621

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with