Kim, trending sa princess outfit ng mannequin

Nag-share ng wisdom si Kim Chiu bilang bahagi ng kanyang 35th birthday sa kanyang pictorial na ala-desert princess kung saan nakita lang daw niya ang outfit sa isang mannequin habang nasa comfort room ang kanyang kasama noong nasa Dubai sila.
Tho parang pinaghandaan ‘yun dahil prinsesa talaga ang hitsura niya sa disyerto.
Kalakip ang pictorial ang caption niya na:
“ Chapter XXXV. Another year to rise, reflect, and reinvent. Wisdom isn’t just age—it’s how you grow through it.
“Another story time.
“While ate @haideefernandez was in the restroom, I wandered off to a souvenir store right beside the gas station. Spotted this outfit on a mannequin and next thing I know—boom! Sahara Desert princess realness, complete with a camel!”
Trending ang nasabing pictorial ni Kimmy kasabay ng Easter celebration.
Kagagaling nila ng Dubai ni Paulo Avelino para sa premiere ng pelikula nilang My Love Will Make You Disappear.
- Latest