^

PSN Showbiz

Coco at Julia, ‘di makakalimutan ang mga natutunan kay Ate Guy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, ‘di makakalimutan ang mga natutunan kay Ate Guy
Imelda, Coco Martin at Julia Montes.
STAR/ File

Ikinagulat ng marami ang biglaang pagpanaw ni Nora Aunor. Labis na ikinalungkot ng magkasintahang sina Julia Montes at Coco Martin nang mabalitaan ang tungkol sa pagkamatay ng nag-iisang Superstar.

Para kay Coco ay hindi talaga makalilimutan ang mga panahong nakatrabaho si Ate Guy. “Kasi si Ate Guy, hindi lang namin nakatrabaho bilang artista. Talagang naramdaman namin siya bilang nanay. Dahil no’ng nakasama namin siya sa Padre de Pamilya, mula noon kasi ‘yung relationship nagdire-diretso. Naging magkaibigan kami, constant ‘yung communication. Kaya no’ng nalaman namin, nagulat talaga kami. Sobra kaming nagpapasalamat sa kanya sa iniambag niya sa industriya natin,” paglalahad ni Coco.

Ayon naman kay Julia ay maraming mga leksyon ang kanyang natutunan mula sa Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts. “Siguro bukod kasi sa talent ni Ate Guy, ang Superstar natin, ‘yung lesson na ibinigay niya sa amin. ‘Yung mga kwentong ishinare niya every time na nakikipag-usap siya sa amin ay mababaon namin. Siguro kung gaano kami kalungkot, ganoon din kalungkot ang mga fans. Ipagdasal lang natin kasi nasa langit na siya kasama ng Panginoon natin,” pagbabahagi ni Julia.

Acute Respiratory failure ang naging sanhi nang pagkamatay ng beteranang aktres. Bukas ay ihahatid na sa huling hantungan ang mga labi ng Superstar at National Artist sa pamamagitan ng state funeral sa Libingan ng mga Bayani.

Vhong, nakabuo ng Sci-Fi!

Muling mapapanood si Vhong Navarro sa pelikulang Child No. 82 na pinagbibidahan ni JM Ibarra. Isa ito sa makakalahok sa nalalapit na Cine­malaya Film Festival 2025. Matagal na raw pangarap ni Vhong na makagawa ng isang science-fiction na tema ng bagong proyekto. “Meron ako isang gustong gawin. Actually, isa ako sa bumuo ng proyekto na ito. Para akong artificial intelligence, parang isang hindi human. Binuo ko siya actually, na-present ko siya sa Star Cinema before. Na-approve na ‘yon noon kaya lang talagang ang dami nangyayari. Shut down and everything tapos parang si Inang, Olivia Lamasan pa ‘yon. Nag-present kami and parang nagustuhan niya. Gusto ko pa rin siyang ituloy. Sana merong producer na magtiwala kung hindi naman baka ako na mag-produce no’n. So bumubuwelo lang,” kwento ni Vhong sa ABS-CBN News.

Walang naging problema sa aktor kahit na supporting role lamang ang kanyang nagawa ngayon. Para kay Vhong ay normal na sa show business na nagkakaroon ng mga bagong nakikilalang aktor. “Thankful ako kasi mayroon ulit tayong bagong project. May nagtiwala uling producer, director. And now, supporting ako. Sabi ko wala namang problema. Kasi iniisip ko parang ‘pag Hollywood, parang wala nang problema ‘pag support ka, ‘di ba? Kasi kaya actor ako eh. So walang problema kung ano ‘yung mataas at maliit na role para sa dapat lahat kaya mong gawin,” makahulugang pahayag ng aktor.  (Reports from JCC)

COCO

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with