KC, inilantad si aly sa kanyang birthday salubong sa isla!
Ang bongga naman nina KC Concepcion at Aly Borromeo na lantaran na talaga diumano ang relasyon.
Nag-post daw si KC ng birthday salubong nito na ginanap sa Amanpulo kasama ang tila mga kaibigan niya na tinawag niyang kanyang “crew” at naroon din sa videos ang dating football player.
Kasama rin daw pala ang sister ni Aly sa kanyang birthday celebration.
Simple lang ang naging selebrasyon ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na napanood ko sa video pero syempre hindi biro ang presyo roon.
“What a start to this new era! No big crowd, just our little island crew, ushering in the first hour of Chapter 40 with sooo much love and everyone so game for anything,” bahagi ng kanyang caption.
Marami ang natuwa at suportado ang balikan ng dating magkasintahan.
Mas lalo nga raw kinilig ang followers nila nang marinig nila sa video ang pagsabi ni Aly ng “here babe” habang nilalagyan ng pagkain si KC sa plato nito.
Hirit tuloy ng fans nila ay pakasalan na ng dating Azkals captain ang daughter nina Shawie at Gabby.
At doon din pala ay sinorpresa siya ni Sharon na lumipad pa papunta sa island kung saan ipinost din ni KC ang photo nila na magkayakap.
Halata ngang na-miss ng mag-ina ang isa’t isa.
Sana naman sila na talaga ang forever lalo na ngayon at 40 years old na si KC.
Wish ko ay mahanap na ni KC ang happiness niya kay Aly.
Siguradong gwapo at maganda ang magiging babies nila.
Bongga talaga.
- Latest