^

PSN Showbiz

James, ginagamit si bimby sa kampanya?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ika-18th birthday ni Bimby Aquino noong April 19 at binati siya ng amang si James

Yap na idinaan sa IG Stories. Nag-post si James ng photos nila ni Bimby at may birthday greetings na “Happy birthday, Bimb! I love you always.”

Bata pa si Bimby sa photos na magkasama sila at nagkakatuwaan. Parang wacky photos nilang mag-ama at kung ‘yun ang last time na nakasama at nakita ng basketbolista / pulitiko ang anak nila ni Kris Aquino, matagal na nga niyang hindi nakikita si Bimby. Kasing-tangkad na yata niya si Bimby at lumaking mabait, responsable at mahal na mahal ang mom niya base sa mga post ni Kris.

May mga natuwa, pero may negative ang dating. Baka raw binati lang niya si Bimb dahil muli siyang tumatakbong konsehal sa San Juan City.

Unfair na siguro ang mga comment na natakot lang siyang ma-bash at hindi iboto kaya binati ang kanyang panganay.

Nasa IG Stories din niya ang photos ng dalawang anak nila ni Michela Cazzola na malalaki na rin.

Anyway, nag-celebrate si Bimb ng kanyang birthday sa bedroom ni Kris. Ang ganda ng eksena nang yakapin ni Bimb ang mom niya habang binabati siya ng mga kaibigang may dalang birthday cakes base sa mga naglabasang post sa social media.

Ken, palipat-lipat ng bansa?!

Sinagot ng former business partner ni Ken Chan ang tanong kung bakit walang hold departure order ang aktor, kaya libreng nakalabas ng bansa.

Para sa netizens, mali ang ginawa ni Ken na pumayag magpakuha ng video, nalaman tuloy kung nasaan siya ngayon at madali na siyang hanapin.

Kaya lang, may mga naniniwala na hindi sa Thailand namamalagi si Ken, baka palipat-lipat daw ito sa Thailand, Malaysia at ibang kalapit na bansa.

‘Yung inakala ng marami na nasa Amerika siya, nalaman tuloy na nasa Thailand siya o sa kalapit na bansa lang.

BIMBY

JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with