^

PSN Showbiz

Kauna-unahang tech, startup event, magaganap na!

Pilipino Star Ngayon

Opisyal nang inanunsyo na gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon ang GITEX ASIA 2025, ang pinakamalaking tech at startup event sa buong mundo, sa Abril 23–25, 2025 sa Marina Bay Sands, Singapore.

Ang inaugural edition na ito, na inorganisa ng Dubai World Trade Centre (DWTC) at KAOUN International, ay magtitipon ng mahigit-kumulang 700 global tech enterprises at startups, higit sa 250 investors, at higit sa 330 global speakers sa loob ng tatlong araw—isang launchpad para sa kolaborasyon, inobasyon, at paglago sa rehiyon.

Mula sa AI, cybersecurity, cloud, connectivity, at quantum computing hanggang healthcare, biotech, green tech, at smart cities, itatampok ng GITEX ASIA Digital Economy Summit ang pinakamakabuluhang mga talakayan at mapanuring pananaw kaugnay ng mga pandaigdigang pagbabago at umuunlad na teknolohiya sa Southeast Asia.

Maaaring asahan dito ay ang GITEX Cyber Valley Asia, North Star Asia, AI 100 powered by Nebius, mga eksklusibong panayam kasama ang mga CEO, policymakers at changemakers, at marami pang iba.

Isa itong must-attend event sa mabilis na pagtungo ng digital economy ng Southeast Asia sa inaasahang US$1 trilyong GMV pagsapit ng 2030, kung saan ang GITEX ASIA 2025 ay nagsisilbing mahalagang tulay sa pagbuo ng mga bagong oportunidad at partnerships  sa buong rehiyon.

GMA at Mel, kinilala sa 27th Reader’s Digest

Muling kinilala ang GMA Network bilang Philippines’ Most Trusted TV Network, matapos nitong makamit ang ikasiyam na sunud-sunod na Platinum Award sa 27th Reader’s Digest Trusted Brand Awards na ginanap kamakailan.

Tumanggap ng prestihiyosong parangal sa ngalan ng Network ay si Regie C. Bautista, Senior Vice President for Corporate Strategic Planning and Business Development and Program Support Department and Concurrent Chief Risk Officer ng GMA.

Pinarangalan din sa nasabing event ang beteranang broadcast journalist at haligi ng GMA Integrated News na si Mel Tiangco, na ginawaran bilang Most Trusted TV Host for News and Current Affairs.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Tiangco, na co-anchor ng pangunahing newscast ng GMA na 24 Oras, sa kanyang pagkilalang natanggap.

Ang Reader’s Digest Trusted Brand Awards ay ibinabatay sa resulta ng isang survey na nilahukan ng 8,000 consumers sa buong Pilipinas.

CEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with