Ate Guy namatay sa acute respiratory failure; nakahanda na ang necrological services at state funeral! Janine inaalalayan ni Jericho

Habang ang marami ay nagtitika at nagbabalik-loob sa Diyos noong Huwebes Santo at Biyernes Santo, nagluluksa naman ang buong showbiz industry, sa loob at labas ng bansa, sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar at National Artist Nora Aunor, Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay, na pumanaw noong Miyerkules ng gabi, bandang alas-10:00 ng gabi.
Pumanaw si Ate Guy (popular na tawag sa kanya) matapos ang isang medical procedure ayon sa kanyang anak na si Ian De Leon.
Sa interview ng media sa Heritage Park sa Taguig, nilinaw ni Ian na hindi nung oras na sumasailalim ito sa operasyon namatay.
Pero hindi na si Ian nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa karamdaman ng kanyang ina pero binanggit niya sa interview ng 24 Oras na “technically and clinically speaking, the cause of death was acute respiratory failure” (ayon sa medicalnewstoday.com, ang “Acute respiratory failure usually stems from difficulty getting enough oxygen to the lungs, problems removing CO2 from the lungs, or both. This can be due to tissue damage, fluid buildup, muscular spasms, or other physical processes. Potential causes include : chronic obstructive pulmonary disease.”)
Dahil sa pagiging National Artist, isang necrological services (9:00 a.m., Metropolitan Theater) at state funeral ang magaganap sa Martes (araw ng libing) pero wala pa silang detalye tungkol sa iba pang tributes na plano ng gobyerno para sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts.
Nauna na siyang binigyan ng military salute ng isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines noong Huwebes.
At nang tanungin si Ian kung ano ang naging huling mensahe ng inang namayapa sa kanya (si Ian ang biological son nina Ate Guy at Christopher de Leon) :
“Ang huling message niya po sa akin, sabi niya, ‘Anak pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ako sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” na nabanggit na kasama nito ang ang buong pamilya nila nang malagutan ito ng hininga sa hospital - Lotlot, Matet Kiko at Kenneth (adopted children ni Ate Guy).
Isa pang naalala ng lahat sa pagpanaw ni Ate Guy ay si Janine Gutierrez.
Buti na lang at laging nasa tabi niya si Jericho Rosales.
Four days apart lang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang lola ni Janine – Pilita Corrales, noong April 12, at ang kanyang lola Nora noong April 16, kaya pakiramdam nila ay ‘di pa nakaka-recover si Janine sa pagluluksa sa ina ng kanyang daddy na si Ramon Christopher.
Sa kanyang post para sa kanyang Lola Nora sinabi niyang : “With sorrowful hearts, we share the passing of our grandmother, Mama Guy. A treasure to our family but truly always more the people’s than ours. She had a life of giving her immeasurable love to everyone she touched whether on screen, through music, or in person.
“We are deeply grateful for the outpouring of love and support. Please keep our family in your prayers, especially Mama, Uncle Ian, Ate Matet, Kuya Kiko, and Ken, as we say goodbye.
“We find comfort in knowing she, the one and only Superstar, will be forever loved.”
Kaya naman dagsa ang mga nakiramay at nagbibigay ng encouraging messages kay Janine.
Magbilas ang dalawang icon na magkasunod na pumanaw – Asia’s Queen of Song at Superstar National Artist Ate Guy.
Pareho ring makulay ang kanilang career at personal na buhay.
At ang daming magagandaang alaala sa kanila.
Habang sinusulat namin ito ay dagsa ang Noranians na Heritage pero hanggang 4:00 p.m lang ang public viewing.
Kabilang naman sa unang dumalaw sa Heritage noong Huwebes kung saan siya pinaglalamayan ay si Star For All Seasons Vilma Santos na matinding karibal niya noong kainitan ng kanilang career.
- Latest