David, aminadong maraming insecurities

Sa paglipas ng panahon ay malaki na umano ang ipinagbago ng pananaw ni David Licauco sa buhay. Noon ay mareklamo ang aktor pagdating sa sunud-sunod na trabaho. “I’m happy. It’s on the mindset. Like the way you see things now, I always try to see good in everything. Like for example before, kapag ako’y busy, kapag marami akong ginagawa, magrereklamo ako. I would complain about… ‘Shocks! I’m tired! I wanna rest,’” pagtatapat sa amin ni David sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan ng aktor.
Aminado si David na mayroon din siyang mga nagagawang kasalanan sa tunay na buhay. “Nale-late siguro, pero now kasi I would say na I’m very much self-aware with everything that I do. Feeling ko hindi na ako gano’ng ka-reckless. I always have to think twice kung ano ang kailangan kong gawin. Parang instead of living mindlessly, I’ll try my best to think muna bago ko ‘to gawin. Hindi na ako as makasalanan as when I was younger,” makahulugang paliwanag ng binata.
Si Sanya Lopez ang nakatrabaho ni David sa naturang pelikula.
Ayon sa aktor ay nakaranas ng pamba-bash si Sanya mula sa ilang mga tagahanga ng tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David. “The great thing about Sanya, medyo wala siyang pakialam when it comes to those things. She knows na, ‘Okay, this is part of the job. I am partnered up with a person who has a love team. Then it’s okay. Feelings nila ‘yon.’ ‘Yon ang maganda kay Sanya eh, hindi siya affected talaga. I actually asked her, ‘How do you feel about it?’ Sabi, ‘No, it’s okay. Wala ‘yon.’ Then I said, ‘Sorry, baka may nagba-bash sa ‘yo because of us, because of me dahil partner tayo dito.’ She was really cool about it, tinawanan lang namin,” kwento niya.
Walang karelasyon ngayon sina David at Barbie. Para sa binata ay posibleng humigit pa sa pagiging magkaibigan ang kanilang turingan ng aktres. “Depende, who knows? Whatever happens, happens. But at this point I’m really going with the flow. We’re really close. Minsan nagkakamustahan kami via text. Like what’s happening now, ‘Kamusta ka? Kamusta ‘yung movie na ginagawa? Good luck!’ And whenever we’re together, shootings mga commercials, we talk about everything and nothing,” nakangiting pahayag ng Kapuso actor.
Nilinaw ng binata na wala siyang kinalaman sa naging hiwalayan nina Barbie at Jak Roberto ilang buwan na ang nakalilipas. “One thing’s for sure, I’m not part of their breakup. Before, Barbie and I never really text especially no’ng sila. Of course, now, minsan, nagkakamustahan lang kayo. Pero before we never texted talaga, swear to God. So pretty much, hindi talaga ako parte no’n, wala akong kinalaman,” giit ni David.
Aminado si David na hinahanap-hanap na rin niya ang pagkakaroon ng kasintahan.
Matatandaang Setyembre noong isang taon nagkahiwalay si David at ang non-showbiz girlfriend. “I’m not rushing into it. I do miss it siyempre. Gusto mo may kayakap ka, sasabihan mo ng problema mo. May kausap ka on a daily basis. Siyempre naging single ako since September so I’ve been really working on myself. I’ve been all for self-improvement, everyday I try my best.
“Generally happy, mas naa-appreciate ko lahat ng bagay. I have been enjoying it. Feeling ko marami akong insecurities and one of those would be communication skills, before. Lately, I feel it and I’m very proud of myself. Because I’ve been really working hard for it and everything. I would really watch podcast and ilalagay ko sa notes, babasahin ko everyday,” pagbabahagi ng aktor. — Reports from JCC
- Latest