^

PSN Showbiz

John Rendez, panay ang bulong sa kabaong ni Ate Guy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Rendez, panay ang bulong sa kabaong ni Ate Guy!
John Rendez

Dagsa ang pumunta sa unang gabi ng burol ni Nora Aunor, noong Huwebes Santo sa chapel 7, 8 at 9 ng Heritage Memorial Park sa Taguig.

Sa pangalawang araw, Biyernes Santo, kami nakadalaw, at ang dami pa ring pumunta.

Inobserbahan namin ang ilang kaganapan sa burol lalo na’t dumating si John Rendez na hindi naitago ang pagiging emosyonal.

Sa bandang likuran siya nakaupo kasama ang isang babae. Nakahalo si John sa media at ilang nakiramay sa may bandang likuran.

Kapansin-pansin ang pabalik-balik niya sa kabaong ni Ate Guy na umiiyak, parang kinakausap niya ito nang malapitan.

Hindi naman siya kinakausap ng mga anak ng namayapang Superstar.

Pasado alas-siyete ng gabi, dumating na si Christopher de Leon, na sa kanya na ibinuhos ni Lotlot de Leon ang nararamdaman nito.

Yumakap siya sa kanyang Papa Boyet na umiiyak. Napansin naming tumayo si John at lumapit uli sa kabaong ni Nora.

Tumuloy na rin si Boyet sa kabaong kasama ang anak nila ni Nora na si Ian de Leon at ang isang anak nitong lalaki.

Pagkalapit ni Boyet, tumingin sandali sa kabaong, nagkatinginan sila ni John at nagkamay.

Kaagad na umalis si John, at bumalik na sa kinauupuan niya sa likod at may kausap siyang isang babae.

Pagkatapos ng ilang minutong novena ay tumayo uli si John, lumapit sa kabaong at parang may ibinulong ulit kay Ate Guy.

Pagkaalis nito ay nagkasalubong sila ni Ian at nagkatinginan sandali at nagkangitian.

Tumitiyempo pa sana kaming kapanayamin si John, pero masyado siyang emotional at tumanggi siya nang kausapin ni Jerry Olea.

Hindi na rin siya kumain sa labas, nawala na siya at nakaalis na raw.

Kahit si Christopher de Leon ay hindi na rin nagpa-interview. “Nasabi na nila lahat e….” mati­pid niyang sagot sa akin.

Ayon sa aming naobserbahan sa pangalawang gabi ng burol ni Nora Aunor, maayos ang pakikitungo nilang lahat kay John Rendez, at isinantabi na muna ang kung ano mang nararamdaman nila at naging isyu sa singer/rapper.

Hangad naman ng lahat, lalo na ang mga anak at malalapit na pamilya na payapa nilang maihatid sa huling hantungan ang premyadong aktres at National Artist or Film and Broadcast Arts.

Kahapon na binuksan sa publiko ang burol ni Ate Guy. Sobrang haba ng pila at hindi nila ininda ang napakainit na panahon.

At doon ay nakapanayam na ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea si John Rendez. Tila hindi pa rin daw nagsi-sink in kay John na wala na si Ate Guy.

“Parang hindi totoo ‘no? Parang ganun siguro, hindi ko pa… pero we have to face the reality na she’s not here with us anymore. So, the things that remind us of her… well, kaila­ngan bigyan natin ng ano… cherish those sabihin nating, moments. Cherish those memories and she will always be alive in our hearts.

“She’ll always be part of this culture, this country, I say in this industry. And her legacy will continue eventhough she’s not here anymore.

“So, we can honor her legacy by remembe­ring all the good works that she did, not for the industry, but also for the fans,” saad ni John Rendez.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with