^

PSN Showbiz

Habang wanted sa ‘Pinas...Ken Chan, spotted na puma-party sa Thailand!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Habang wanted sa ‘Pinas...Ken Chan, spotted na puma-party sa Thailand!
Ken Chan

Nasa Thailand pala si Ken Chan at nalaman ito nang pumayag siyang magpa-video sa isang Pinoy na kagaya niya, dumalo sa Songkran Festival. Hindi maganda ang comment ng netizens nang ma-post sa TikTok ang video ni Ken.

Parang nakakalbo na raw ang aktor o dahil lang sa basa ang kanyang buhok. May nag-comment pa na may time pa siyang pumarty, gayung may kaso siya sa Pilipinas.

In fairness, nakangiti siya sa video at mukha namang masaya siya at hindi stressed, gaya ng tingin ng ibang netizens.

Jackie, may patutsadang sagot kay Kyline?!

Pinayuhan si Kyline Alcantara ng kanyang fans na ‘wag munang magpo-post ng cryptic post kahit walang kinalaman sa kanila ni Kobe Paras dahil nabibigyan ng double meaning.

Ang feeling ng fans, sagot sa cryptic post niya na “I know that my kindness hurts me, but I will continue to choose it” ang cryptic post naman ng mom ni Kobe na si Jackie Fors­ter na “Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you.”

Pati nga ang pagkanta ni Kyline ng You’ll Be In My Heart, minasama rin ng bashers niya.

Kaya kung magpo-post siya na muli siyang kakanta, piliin niya ang happy song para hindi maikonek kay Kobe at sa breakup nila.

Isa pang payo kay Kyline, iwasan niyang pag-usapan si Kobe at ang nangyari sa kanila para walang sasagot sa kampo nito at hindi siya masisisi na siya ang nagsisimula ng gulo. Kasunod nito ang payo na magpayaman muna siya para hindi siya maliitin at mag-concentrate sa kanyang career.

Maganda naman ang payo ng isang neutral fan, stop the bashing daw on both sides para matigil na ang isyu.

Kung hindi na raw maaayos ang kanilang relas­yon, at least, magiging magkaibigan pa rin sila.

Anyway, back to work na si Kyline, nagsimula na sila ni Barbie Forteza sa taping ng Beauty Empire at may lumabas ng photo nila ng South Korean singer-actor na si Choi Bomin.

May nag-comment na kaya pala siya nag-iingay dahil may bago siyang project.

Jericho, nilantad ang relasyon nila ni Janine sa Eulogy

May mga hindi na-appreciate na sa wake ni Pilita Corrales in-announce ni Jericho Rosales ang inaming, “I am Janine’s boyfriend.”

Ito ay nung magbigay siya ng eulogy kay Pilita.

Not the right time and place raw ang announcement niya dahil wake ‘yun.

Ang nakita naman namin, kaya in-announce niya na GF niya si Janine dahil may mga nagtanong kung bakit siya nagbigay ng eulogy hindi naman daw siya close kay Pilita at hindi siya member ng family nito.

Sa kanyang inamin, masasabing member na ng Gutierrez family si Jericho at may karapatan siyang magbigay ng eulogy. Nabanggit nga nito sa kanyang eulogy na sobrang laki ng pamilya ni Janine at nakita niyang closely knit ang pamilya ng GF na magiging pamilya na rin niya kapag ikinasal sila.

Imagine, magiging mom-in-law at dad-in-law niya respectively sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Magiging grandparents-in-law niya sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at magiging pinsan sina Tonton, Ruffa, Richard, Mond at iba pang kapatid ni Ruffa.

Also, magiging hipag at bayaw niya sina Jessica, Maxine at Diego Gutierrez.

Magiging aunt-in-law niya si Jackie Lou Blanco at magiging cousin-in-law ang mga anak nina Jackie at Ricky Davao. Pati ang mga anak nina Tonton at Glydel Mercado. Big family talaga ang yayakapin ni Jericho.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with