^

PSN Showbiz

Jessica, babalikan ang aparisyon ng Mahal na Birhen!

Pilipino Star Ngayon
Jessica, babalikan ang aparisyon ng Mahal na Birhen!
Jessica Soho

Ngayong Easter Sunday, maghanda para sa mga nakakamangha at nakakaantig ng kwento ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Babalikan ni award-winning host Jessica Soho ang nakaka-intrigang kwento ng diumano’y pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria sa Cabra Island sa Occidental Mindoro noong 1960s – ang naging inspirasyon sa iconic film na Himala.

Bukod pa rito, tutuklasin ang misteryong bumabalot sa umano’y pagbagsak ng eroplano sa tuktok ng isang talon sa Matuguinao, Samar.

Sisiyasatin ng KMJS kung isa lamang ba itong alamat o may nakatagong katotohanan sa likod ng rumaragasang tubig.

Pupuntahan din ni Jessica ang mga abaca farmer sa Valencia, Negros Oriental upang alamin kung paano nakaapekto sa kanilang kabuhayan ang paglipat sa polymer na pera.

Tuklasin din ang kakaibang sarap ng prutas na “sapote,” na may nakakagulat na lasa ng tsokolate. Suriin din ang nakakaintrigang paniniwala tungkol sa tangkay ng halamang “sinukuan” sa Guimaras na may anyong krus na sinasabing nagdadala ng suwerte.

At sa huli, humanga sa kakaiba ngunit epektibong paraan ng pag-aalaga sa balat gamit ang putik sa South Cotabato.

Huwag palampasin ang mga kwentong ito sa KMJS ngayong Linggo, 8:15 p.m. sa GMA.

Regine, may pasabog!

Hot na hot na ang summer dahil sa pasabog na performances ng birthday girl na si Regine Velasquez, at Kapamilya loveteams na sina KD Estrada at Alexa Ilacad, Kai Montinola at Jarren Garcia, at JM IBarra at Fyang Smith ngayong Linggo (April 20) sa sa Kapamil­ya Channel, A2Z, at TV5.

Mag-enjoy sa isang mainit na grand opening performance kasama ang OPM icons na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, at Jona. Subaybayan naman ang isang cool reggae gig mula sa Rockoustic Heartthrobs Jarren, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses.

Abangan ang pagbabalik ng Jambayan sa kanilang homecoming performance kasama sina Moira Dela Torre, Zia Quizon, Kaye Cal, Migz Haleco, at JM De Guzman.

Ipagpatuloy ang concert experience kasama sina Zsa Zsa, Gary, Jona, Kyla, ASAP champions Marielle Montellano, Lyka Estrella, Carmelle Collado, JM Dela Cerna, JM Yosures, Reiven Umali, at Khimo. Abangan din ang mga explosive dance acts mula kina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Anji Salvacion, Darren Espanto, Jeremy Glinoga, Ken San Jose, Jameson Blake, Jas Scales, at Kolette Madelo.

Lahat nang ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with