^

PSN Showbiz

Richard Merck, kasal pa rin kay Nora Aunor

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Richard Merck, kasal pa rin kay Nora Aunor
Richard Merck

Eksklusibo naman naming nakapanayam si Richard Merck, na ibinunyag sa amin kung ano ang naging relasyon nila ni Nora.

Tinanong namin siya kung ano ang una niyang reaksyon nang malaman niyang pumanaw na si Ate Guy. “Mahaba ang pinagsamahan namin. I felt really, really sad,” pakli ni Richard.

Hindi na raw niya inurirat kay Matet de Leon kung ano talaga ang sanhi ng pagpanaw ni Nora. Complication lang daw ang sinabi sa kanya.

Pero ang sabi pa ni Richard Merck, “So sayang nga e. We lost a superstar. I lost my ex-wife. We were married, you know in Vegas. So, we were not divorced. We never went to Vegas to divorce. So… malungkot,” sabi niya tungkol sa kanilang relasyon.

Tinanong na rin namin si Richard, paano sila nag-decide na magpa­kasal doon sa Las Vegas, Nevada.

Siya ba ang nagyayang magpakasal na sila? “No, hindi pa. It took a while. Actually, pag-marry namin, ano e… we watched Tom Jones. And then nung matapos ‘yung show ni Tom Jones, out of nowhere, sabi niya, ‘tara, pakasal tayo!’ So, I said ‘okay,’” sambit niya.

Si Richard ang nagko-coach dati sa pagkanta ni Nora.

Hanggang ngayon ay napo-post pa sa Facebook at TikTok ang napa­kagandang version ng kantang What Now My Love na inareglo ni Richard at pati ang style ng pagkanta ay turo raw niya ‘yun sa superstar.

Tatlong taon din ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at isa raw sa hinding-hindi niya makakalimutan kay Nora, “There’s one word, sentence, that she told me, na napakasarap pakinggan. This happened when she was staying in Green Meadows. Nagkikita na kami. Sabi niya, ‘Ikaw na ang huling lalaki sa buhay ko!’ Nagulat nga ako e.”

Pero nakipaghiwalay na si Richard sa Superstar dahil nga sa inamin naman niyang pagkalulong niya noon sa ipinagbabawal na gamot. Pati ang mga inireregalo raw ni Nora sa kanya ay ibinenta niya, o naisanla at hindi na niya natutubos.

“Alam mo naman ang buhay ko noon, ‘di ba? Open book naman. I was a user of drugs. So, ‘yun ‘pag may kunyari bracelet na malalaki or kuwintas na malaki… na never ko natutubos. But those were the days,” tugon ni Richard Merck.

Kaya nung nasa kabaong na raw siya ni Nora, hindi niya napigilang umiyak na humihingi ng patawad sa mga nagawa niya sa namayapang Superstar.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with