^

PSN Showbiz

John, binubuhay si April Boy

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
John, binubuhay si April Boy
John Arcenas
STAR/File

Buhay na buhay pa ang alaala ng dekada ‘90, noong naging in demand si April Boy Regino sa noontime variety shows. Bagama’t hindi lahat ay naakit sa kanyang musika, hindi maikakaila na ang kanyang mga kanta ay nakaantig ng milyun-mil­yon na muling nabuhay nang kamakailan ay ipalabas ang kanyang buhay sa pelikula na Idol: The April Boy Regino Story kung saan ang gumaganap bilang April Boy ay ang baguhang aktor na si John Arcenas.

May ilang nababaduyan sa kanyang musika pero may tama sa puso particular na sa masa ang bawat mensahe ng kanyang inaawit.

Kaya naman ngayon, naalala siya kay John na umamin noong ginagawa nila ang pelikula ay pakiramdam niya ay sinaniban siya ng kaluluwa ni April.

“Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot at doon ko po talaga naramdaman ang presence niya,” kuwento ni John noong pino-promote niya ang pelikula.

Hindi madali ang prosesong dinaanan ni John bago nasungkit ang nasabing role.

May ilang round ng audition pero nalampasan daw niya ‘yun.

Ngayon, tumatak na sa kanya ang mga kanta ni April Boy.

In fact, nang maimbitahan siyang mag-perform sa oathtaking ng MB (Mikey Belmonte) Leader’s General Assembly and Oathtaking of MB Fighters na ginanap sa SB Park, Batasan Hills kamakailan, akala ng ibang dumalo ay siya ang anak ng namayapang iconic singer.

Nakuha na niya ang mannerism at power ng boses ni April Boy kaya naman sinabayan siya ng mga dumalo sa nasabing event ni Mikey na ang sayang panoorin.

Pero magaling din naman siyang kumanta ng cover songs. Nag-duet pa nga sila ng popular na kumakandidatong konsehal ng District 2 sa Quezon City at nagpasalamat siya na naimbitahan siyang kumanta.

Anyway, natanong din nga pala siya kung nagdalawang-isip ba siya na isuot ang damit ni April Boy nung ginawa niya ang pelikua? “Sa totoo po nu’ng una, kinakabahan talaga ako.

“Sabi ko, susuotin ko ba talaga ‘yun? Kasi, I mean, respect din kay Sir April Boy, ‘di ba?

“And siyempre, ‘yun nga, kinakabahan talaga ako. Pero ang nagsabi naman po, ‘yung asawa niya po,” pagkukuwento pa ni John.

Aminado rin siyang hindi siya makapaniwala nung napili siyang bida sa biopic ni April Boy Regino? “Hindi ako makapaniwala. Kasi siyempre, ‘di ba, para mabigyan ka po ng responsibility na ganu’n, ng role na April Boy Regino.

“Hindi po talaga ako makapaniwala, and sobrang blessed ko. Nag-pray agad ako. Sabi ko, ‘Lord, pagbubutihin ko ito. Kayo na po ‘yung bahala,’” dugtong ni John.

Nagbunga naman dahil napuri siya at ngayon umaasa siyang masusundan pa ito ng mas maraming trabaho lalo na ibinigay niya naman aniya ang lahat-lahat sa pelikulang ito.

JOHN ARCENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with