Zombie serye nina Han Hyo-Joo at Park Hyung-Sik, mapapanood na sa Free TV

Ipapalabas na ang South Korean zombie-thriller series na Happiness, na pinagbidahan ni Han Hyo-Joo at Park Hyung-Sik, sa Lunes (Abril 21) simula 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Kilala si Han Hyo-joo sa kanyang role sa hit series na W, at si Park Hyung-sik naman ay lumabas sa mga hit K-Drama series na The Heirs at Hwarang.
Matapos kumalat ang isang gamot na naging sanhi ng pandaigdigang pandemya, iimbestigahan ng special agent na si Yoon Sae Bom (Han Hyo Joo) at kaibigang si Jung Yi Hyun (Park Hyung Sik) ang kumalat na virus. Nagkunwari ang dalawa bilang mag-asawa upang makapasok sa isang eksklusibong apartment, na kalaunan ay biglang ipinasara upang makontrol ang pagkalat ng sakit. Habang nakakulong sila sa loob, unti-unti ring lumilitaw ang totoong ugali ng mga nakatira roon, na sa likod ng kabutihan ay may tinatagong kasamaan pa rin ang mga ito.
Mapapanood ang mga episode ng Happiness simula Lunes (Abril 21) simula 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iWantTFC.
- Latest