^

PSN Showbiz

Sabado De Gloria, dagsa ang palabas na pelikula!

Pilipino Star Ngayon
Sabado De Gloria, dagsa ang palabas na pelikula!
The King of Kings
STAR/File

Ahh, andami palang pelikulang palabas sa Sabado De Gloria na lima ang nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “Pinapayagan ang mga batang edad 12 at pababa na makapanood ng mga pelikulang PG basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.”

Ang mga pelikulang may PG rating ay ang mga sumusunod:

The King of Kings, isang animated Christian film batay sa pambatang libro na The Life of our Lord; Sneaks na tungkol sa pakikipagsapalaran ni Ty, isang sapatos na hindi alam ang buhay sa labas ng kanyang magarang kahon; Colorful Stage! The Movie: A Miku Who Can’t Sing, isang animated musical drama batay sa larong Hatsume Miku: Colorful Stage; Zerobaseone: The First Tour (Timeless World) isang K-pop concert film mula sa unang world tour ng grupong Zerobaseone; at Fatherland na tungkol sa binatang mula Amerika na bumiyahe pauwi ng Pilipinas para hanapin ang kanyang nawawalang ama.

Samantala, ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan nina Pambansang Ginoo David Licauco at Sanya Lopez ay rated R-13, angkop para sa edad 13 pataas.

Ito ay tungkol sa isang pari sa parokya ng Sto. Cristo at sa mga naging karanasan nito sa isang lugar na kung tawagin ay “Kalye Makasalanan.”

R-16, o para sa edad 16 pataas, ang mga pelikulang Sinner at Warfare dahil sa tema, lenggwahe at karahasan na ‘di angkop sa mga batang manonood.

Hinihikayat ng Board ang publiko na patuloy nitong suportahan ang mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon.

Samantala, nagsagawa ng on-the-spot inspection at information drive nitong Abril 14-15 ang MTRCB sa mga bus terminal sa Metro Manila upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa angkop na klasipikasyon ng mga palabas habang nasa biyahe.

Ininspeksyon ng Board ang mga terminal sa EDSA-Araneta-Cubao Station sa Quezon City, Buendia, Manila, at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa lungsod ng Parañaque.

MTRCB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with