Barbie at David, may M.U. ang galawan!

Saktong-sakto ngayong Mahal Na Araw ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan na pinagbibidahan ni David Licauco.
Lumabas nga sa kanyang comfort zone ang Kapuso actor na unang nakilala sa heartthrob roles sa mga programang Pulang Araw, Maria Clara at Ibarra, at Maging Sino Ka Man, sa satirical comedy ng GMA Pictures at ni former governor Chavit Singson.
Ginagampanan niya ang papel na Deacon Sam, isang debotong pari na walang karanasan na nakatalaga sa Sto. Kristo — isang bayan na puno ng kasalanan kung kaya’t itinataboy nito kahit ang mga pinakabatikang clergymen.
Determinado sa pagbabago, si Deacon Sam ay lumikha ng isang grupo sa simbahan na tinatawag na Samahan ng mga Makasalanan, na naglalayong gabayan ang mga hindi karapat-dapat sa bayan — mula sa mga magnanakaw hanggang sa mga tsismoso — patungo sa landas ng pagtubos.
At aminado ang aktor na mahirap para sa kanya ang comedy lalo na sa pagiging pari.
Bukod sa kuwento, mapapanood din sa pelikula ang Vigan na isang perfect setting kasama ang iconic na Calle Crisologo na naging isang fictional red-light district.
Mismong si former Gov. Chavit diumano ang nag-identify ng mga kailangan nilang location kaya nagpapasalamat si Direk Benedict Mique.
May cameo role rin sa pelikula na palabas na sa Black Saturday, April 19, ang co-producer ng pelikula na si Manong Chavit.
Anyway, sa ginanap na premiere night ng pelikula, present si Barbie Forteza kung saan marami pang naka-witness na iba na ang closeness ng actress pati sa mga kapatid ni David.
Habang nasa hitsura raw talaga ni David na inspired ito that night sa suporta ni Barbie.
Kaya tuloy, maraming napaisip na baka nga may mutual understanding na sila.
Tho hindi nga kasama si Barbie sa pelikula rumampa naman siya sa red carpet at nanood ng buong pelikula sa tabi ni David at panay ang palakpak sa mga eksenang nakakatawa ng ka-loveteam.
- Latest