^

PSN Showbiz

AC, pinagselosan ng bf si michael

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
AC, pinagselosan ng bf si michael
AC Bonifacio.
STAR/ File

Ikinagulat ni AC Bonifacio ang pagseselos umano ng kasintahang si Harvey Bautista kay Michael Sager. Matatandaang naging malapit si AC kay Michael at iba pang housemates noong nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house. Sina AC at Ashley Ortega ang kauna-unahang evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. “Okay na okay na kami. Nagulat ako when people go up to me. ‘Di ko alam naging issue sa labas. Me and Harvey are totally good, if anything, we have gotten stronger. The time apart and time not having communication made us stronger individually. Now we are back together, we are so much stronger. The tags, the comments, it can get to you. When you are able to communicate, iba mabe-believe. But he is okay, he realized after we talked about it. ‘Sorry ang OA ko pala.’ May factor na nagselos. Ako din naman nagseselos, pero communication fixes anything,” pagbabahagi ni AC.

Hindi inilihim ng dalaga sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Harvey. Para kay AC ay hindi dapat lagyan ng malisya ang pakikipagkaibigan sa mga lalaking kasamahan sa industriya. “Like with Darren (Espanto), walang malisya. I clarified so many times I have Harvey. May jowa ako. Me and Michael, I would tell him all the time. ‘You are like Darren, my Canadian buddy.’ Iba kasi feeling if connected to home. I know the things I say, he won’t take it in a different way. He made me feel like home. I know the things I say. He won’t take it in a different way. He made me feel like home. We are both from Vancouver. Harvey understood that and we have been good since then,” paglilinaw ng aktres.

‘Huwag n’yo akong kaawaan’ – Maymay

May mga pagsubok na kinakaharap ngayon si Maymay Entrata. Mayroong malubhang karamdaman ang ina at lola ng aktres. “Mama Ludy (lola), nasa Cagayan de Oro siya ngayon. ‘Yung treatment niya tuluy-tuloy pa rin for dialysis. Tapos ‘yung nanay ko rin, sabay sila, pero mas malubha lang ‘yung sa nanay ko. Pabalik-balik kami sa hospital ngayon. Please huwag n’yo akong kaawaan. I just need your prayers lang, ‘yon lang ang kailangan ko. I know it will help me din para malaman n’yo kung saan ako nanggagaling,” pahayag ni Maymay sa ABS-CBN News.

Bata pa lamang si Maymay ay nagtatrabaho na si Mommy Lorna sa Japan. Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman ni Maymay na mayroong karamdaman ang ina. “Kaya pabalik-balik ako sa Japan. Ang isa sa mga pinapasalamatan ko ay nakauwi siya two months ago. Everyday talagang tini-take time ko na hangga’t maaari, nandiyan ako kasama siya. Tapos sinugod na naman namin siya sa hospital,” emosyonal na kwento ng dalaga.

Ang mga lolo at lola ang nag-alaga at nagpalaki kay Maymay at sa kapatid. Magdadalawampu’t walong taong gulang na ngayon ang aktres at marami na ring pagsubok sa buhay ang nalampasan ng kanilang pamilya.  (Reports from JCC)

MICHAEL

PBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with