^

PSN Showbiz

Mestisong actor na anak ng showbiz couple, wagas ang kayabangan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

‘Di raw relate sa mga dukha

Nag-react ang ilang kaibigan ni mestisong aktor sa kuwentong super yabang daw ito.

May nagkuwento kasing na-interview raw itong si mestisong aktor, pero na-off daw ang nag-interview dahil sa mga matinding pahayag nitong aktor.

Sinasabi raw ni mestisong aktor na hindi raw siya nakaka-relate sa mga mahihirap dahil hindi naman daw niya naranasang maging mahirap.

Hindi rin daw siya nahirapan sa girls na nililigawan niya dahil siya naman daw ang hinahabol ng girls.

Nakarating ang kuwentong ito sa ilang friends ni mestisong aktor, at natawa na lang sila dahil totoo naman daw ang mga sinabi nito.

Totoo naman daw na hindi talaga niya naranasan ang mahirap na buhay dahil sobrang protektado nga sila ng magulang niyang parehong nasa showbiz.

Kahit sa girls ay talagang hinahabol siya, pero wagas naman daw siyang magmahal. Hindi raw nagloloko pagdating sa relasyon.

Baka namana lang daw ni mestisong aktor sa tatay niyang diretso rin magsalita, na minsan ay nami-misinterpret na nagyayabang.

Sasabihan na lang daw nila ang friend nilang mag-ingat sa mga sinasabi niya, dahil hindi nga naman magandang pakinggang sabihin mong hindi ka nakaka-relate sa mga mahihirap.

Sabi ng isang mataray na reporter, siguro mas gagaling siyang umarte kapag naranasan niya ang kahirapan ng buhay.

Barbie pinuri-puri si David sa pagiging pari, sanya ‘di sumipot

Suportado ni Barbie Forteza ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan na pinagbidahan ni David Licauco at Sanya Lopez.

Dumalo siya sa premiere night nito na ginanap sa Cinema 10 ng Gateway 2 sa Cubao, Quezon City.

Mas pelikula kasi talaga ito ni David at sa kanya talaga umiikot ang takbo ng kuwento.

Magaling at masaya rin ang suporta sa kanya ng mga magagaling na komedyanteng sina Buboy Villar, Betong Sumaya, Chariz Solomon, ganundin ang mga premyadong sina Joel Torre, Soliman Cruz, at kasali rin sina Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega at Euwenn Mikaell.

Masaya si Barbie para sa ka-loveteam niya dahil deserved naman daw nito ang mga ganitong project na collaboration ng GMA Pictures at ng dating Ilocos governor Chavit Singson.

Hindi naman daw niya puwedeng tanggihan ang imbitasyon ni David. “I’m happy to be here tonight. I am so proud of him. Alam ko pinaghirapan niya ito, lalo na, sabi niya this is something new for him. Medyo nangangapa pa siya. Pero he’s so excited and now tapos na, papanoorin na natin,” saad ni Barbie.

Medyo nangapa talaga si David sa pag-comedy. Pero mabuti at magagaling ang support ng co-stars niya at malaki raw ang naitulong sa kanya ni direk Benedict Mique. “With the help of my director and we just stick into the script, I think we did pretty well hopefully,” pakli ni David.

Nagpasalamat naman siya sa suportang ibinigay ni Barbie. “For her to come here na… to support me, made time for me, it says a lot of her character and nothing but gratitude,” sambit ni David

Puring-puri nga siya ni Barbie na tinawag na niyang Reverend Sam, ang pangalan ng character na ginagampanan niya sa pelikulang ito.

“Ay grabe! Life-changing, eye-opening, breathtaking. Sabi ko nga sa kanya, bagay sa kanya palaging nakangiti. Napansin ko buong pelikula, lagi lang siyang nakangiti,” reaksyon ni Barbie pagkatapos niyang mapanood ang pelikula.

Kapansin-pansin ang short hair ni Barbie na sinabi niya para raw sa isang magandang project. “This is for something new and beautiful. You will find out very soon. Para sa isang napakagandang proyekto,” nakangiti niyang sagot sa tanong namin kung para saan ang bago niyang hair.

Obvious na para ito sa gagawin niyang drama series na may tentative title na Beautiful Empire. Ang narinig namin makakasama niya rito sina Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez na ang ganda raw ng role.

Samantala, hindi nakarating si Sanya Lopez sa premiere night nito. Hindi nabanggit doon kung bakit wala ang Kapuso sexy actress.

Kung nandun si Sanya, mas okay sana kung dumalo si Jak Roberto para suportahan ang kapatid.

Mas masaya kung nagkita-kita sila roon nila Barbie, ‘di ba?

Hindi na rin pala pinapunta roon sa premiere night si Euwenn Mikaell dahil R-13 pala ang pelikula. Kaya hindi niya puwedeng panoorin.

Abangan na lang natin ang showing ng Samahan Ng Mga Makasalanan sa Black Saturday, April 19.

Nababagay raw ‘yun sabi ni David pagkatapos nating magnilay-nilay sa Semana Santa.

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with