Mula Fashion Stage patungong Movie Screen
Half Lebanese, Half Japanese si Axel Jadaan, kaya naman nang makita ng isang caster ng isang modeling agency, binigyan agad siya ng opportunity. (ay ako, pati buong sarili ko, give ko sa’yo, bro!)
“May agent lang na lumapit sa’kin when I was in college. Tapos binigyan nya ako ng card. Sabi ko i-try ko kaya.” Pag-alala ni Axel. (dapat sa’kin ka nag-try!)
Agad na nakuha sa mga fashion shows si Axel. Karamihan ay mga underwear at bikini shows. “Ang saya pala, para ka lang naglalaro tapos magkaka-money ka. “ (ano gcash mo, bro?!)
Naging finalist din sya ng Philippine’s Next Top Male Supermodel. “It was ok naman, pasok naman sa top 14, but I did not win. “ (kebs! Win ka sa puso ko, bro!)
Hindi lang nya kinaya nang makatanggap sya ng kakaibang offer mula sa isang direktor ng isang fashion show. “He asked me to sleep with him, and he’ll pay me 60 thousand pesos. Medyo mataas ‘yung offer but I think I am not for that. So ‘yung ibang models na pumapayag sa ganon, sila ang pinu-push ko sa kanya. Sabi ko sila na lang pero ayaw ni direk. Ako raw talaga ang gusto.” (at nagreto talaga ng iba?!)
Nang dumating ang pandemya, natigil sya sa pagrampa. Rumaket muna sya bilang Real Estate Agent at Fitness Coach. Pero marami pa rin ang naghahanap sa kanya para magmodel. Kaya kahit may iba na syang mga career, bumalik din sya.
“Last year, I decided to go back to modelling. This year, nagsimula na ulit ako sa mga Fashion Shows. “(magsimula tayo ulit, bro…)
Mayroon din siyang gustong ituloy sa ngayon, ang naudlot niyang pag-aartista.
“Open na ako ngayon. Before kasi hindi. Parang ‘di ko feel. Parang gusto ko lang magmodel. Actually, dapat ipapakilala na ako dun sa isang sikat na talent ma-nager na nagha-handle ng sikat na artista tapos nag-back out ako.” (ay attitude din!)
Willing daw sya makipagsabayan sa mga nauusong sexy films sa mga streaming platforms. “Pwede naman, kahit sexy. Pwede naman ‘yung mga papakita ng behind. Pero ‘yung harap hindi. Siguro pwede if the price is right. “(ate, pakuha nga yung check book ko!)
Sa kanyang guest appearance sa aming youtube channel na WTFu, inamin ng 35 anyos na binata na magiging alangan lang sya kung ang gagawin nya ay isang BL series o gay film. Pwera na lang daw kung ang makaka-eksena nya ay si Piolo Pascual. (ay choosy pa talaga ha!)
“Hi Papa P! Let’s work together. “Pag-iimbita ni Axel. (ay …I love you Piolo!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com.
- Latest