^

PSN Showbiz

Chavit Singson itotodo na ang pagpo-produce, anak na aktor ikakasal na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Chavit Singson itotodo na ang pagpo-produce, anak na aktor ikakasal na
Christian at Chavit
STAR/File

Magaling na magaling na sa sakit na pneumonia ang film producer / businessman and former governor na si Chavit Singson.

Maaalalang umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-senador si Manong Chavit bago pa nag-umpisa ang kampanya.

Ang iniisip niya raw ay ang kanyang future sakaling manalo siya.

Ngayon gusto raw niyang i-enjoy ang buhay at tutukan ang pagpo-produce ng pelikula.

Pero okay na po ba kayo ngayon? “Oo, wala na akong sakit.”

Sa kasalukuyan nga ay pinagkakaabalahan niya ang promo ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan starring David Licauco and Sanya Lopez at Beyond the Call of Duty.

“Ang palagi ko kasing sinasabi sa tao, enjoy life. Noong na-ospital ako sabi ko, anong ginagawa ko rito?.”

Saka natakot daw siyang manalo. “‘Yung mga governor, mga mayor, ayaw nila na umatras ako. Pero decided na ako noon.”

Ngayon nga ay may special participation siya sa Samahan Ng Mga Makasalanan.

“Parang… minsan lang [ako pumunta] nung sila ay nagso-shooting para matingnan ko lang. Tapos sabi sa akin ‘p‘wede ka pong umupo rito, para bang pumunta lang ako sa kanto para bumili ng suka tapos napasama na,” sabi pa niya kung ba’t siya napasama sa pelikula.

“Hindi ko akalain na makakasama ako d’yan,” sabi pa niya.

Pero ‘yung kwento po ng inyong buhay, itutuloy pa rin po ba kung sakali?

Oo raw pero gusto niya kasama ‘yung bahagi ng impeachment ni former president Joseph Estrada.

At umpisa pa lang daw ito ng marami niyang ipo-produce na pelikula. “Marami akong gagawin dahil ang aking nanay ay producer noong araw,” sabi niya.

Ang misyon daw niya sa kasalukuyan ay makatulong sa industriya ng pelikula sa bansa. “Gusto ko lang na makatulong sa industriya para may hanap-buhay ‘yung mga artista natin.”

Pero hindi ba siya nadi-discourage na sa kasalukuyan ay parang mahina ang ating movie industry? “Ay hindi naman. Basta maganda ang pelikula.”

Kabilang nga raw sa naka-line up niyang i-produce ay ang pelikulang pagbibidahan ng Hollywood actor na si Jean-Claude Van Damme at ng Korean / America actor na si Ma Dong-Seok.

Nagkaproblema naman daw sa script ng Vagabond ni Lee Seung-gi kaya hindi pala matuluy-tuloy.

Samantala, tinanggi ng dating pulitiko na lolo na siya. “Wala akong apo, lahat pamangkin,” sabay tawa niya.

Wala raw kasing tumatawag sa kanya ng lolo, lahat tito.

At ayaw niyang sagutin kung ilan na ang ‘pamang­kin’ niya.

May 24 na anak si Manong Chavit pero ayaw niyang sabihin kung ilan ang nanay ng mga ito.

Sa kasalukuyan daw ay masaya ang lovelife niya, basta masaya raw siya.

Anyway, isa sa mga bida sa pelikulang Beyond The Call of Duty ang anak niyang si Christian Singson na engaged na sa isang girl from Davao.

Samantalang, palabas sa mga sinehan ang Samahan ng mga Makasalanan sa April 19, Black Saturday, na dinirek ni Benedict Mique under GMA Pictures.

CHAVIT SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with