Maja, handa na ulit magkaanak

Nagka-postpartum depression
Ibang-iba na ang buhay ni Maja Salvador ngayon. Ito ay dahil sa anak nila ng mister niyang si Rambo Nuñez, si Maria, na 10-month-old na.
Aniya, nakumpleto ang buhay niya sa anak na hindi siya pinahirapan sa pagbubuntis bagama’t nakaranas din siya ng postpartum depression.
Ito ang inamin niya kahapon, sa contract renewal partnership niya sa kumpanya ni Ms. Rei Tan, Beautederm Corporation.
Gradually, bumabalik-balik na siya sa trabaho na aprubado naman ng kanyang mister.
Tho aniya, kailangan niya raw ng mas malaking holding area para sa anak na isinasama niya sa trabaho kapag may pagkakataon.
Inamin niya ring nung buntis siya at naghihintay manganak, iniisip niyang bumalik na kaagad sa trabaho pero pagkapanganak, iba na aniya ang naramdaman niya. Gusto niyang mag-alaga muna ng anak.
“Nung dumating si Maria, sabi ko ‘parang ‘di muna ako magtratrabaho. Kaya ko naman, eh. Parang ‘yung ang tagal mong pinangarap, pangarap ko talaga, so ‘yung priorities mo sa life, parang lahat, lahat ng desisyon mo, lahat ng decision making mo, parang kahit ‘di pa sumasagot si Maria, titingnan mo lang siya, siya ‘yung makakasagot,” umpisa niya kahapon.
“Kaya nung may inquiries na po tayo, if kelan ako pwedeng mag-work na ulit, ganyan, kunwari paggawa ng movies, at saka mga TV series, sabi ko ‘antayin ko lang mag-one year old ‘yung anak ko’ kasi syempre ang tagal kong pinangarap tapos hindi ko, ‘di ba, makikita ‘yung mga milestones niya. So ‘yon sabi ko miss ko nang mag-work pero pinangarap kong maging mommy at binigay sa akin ngayon ‘to kaya ayun, hindi ako nagmamadali.
“Pero kahit papaano nakakasayaw tayo nang konti, ang pictorial, so ayun as a person ang laking parte ni Maria sa kung sino ako ngayon dahil parang kinumpleto niya ‘yung pagkababae ko. Siya ‘yung kumumpleto sa pangarap ko. Kaya laging si Maria. Sa mga nakakanood na producers or ano, alam na nila na bawat trabaho, ‘yung dressing room ko, kailangan medyo may mas malaking space ng konti kasi bitbit ko si Maria,” paliwanag niya pa.
Ang hindi pa lang nila kayang gawin ay ipakita ang mukha ni Maria sa social media. Alam daw niya ang mga naranasan ng anak ng ibang celebrity na bina-bash oras na ipakita ang hitsura sa social media at pinaglalaruan ng bashers na hindi niya kayang tanggapin lalo na kung ila-lambast ang precious baby nila. Bagama’t pinapakita nila ito sa kanilang mga kaibigan.
Chika pa niya kahapon, handa na rin daw ulit siyang magkaanak.
Ito ay kahit na kinausap siya ng mister na kung ayaw na niyang manganak ay walang magiging problema sa kanya. Nakita raw ng kanyang mister ang hirap na pinagdaanan niya sa pagbubuntis lalo na nung manganak siya.
Pero aniya nang nakita niya ang anak nila pagkapanganak niya sa Canada, sinabi niyang “gusto ko pang manganak.”
Anyway, appreciated ni Ms. Rei ang pagiging active ni Maja bilang isa sa kanyang ambassadors sa Beautederm.
Masipag daw itong mag-post at laging andyan para sa event ng kanyang kumpanya.
Four years na sa Beautederm ang actress.
Sa nasabing event ay pinasalamatan ni Ms. Rei si Maja kung saan nagbigay rin siya ng inspiring and uplifting speech para sa buwan ng kababaihan.
“This celebration is especially meaningful to me because I believe in women’s power, kindness, generosity, and entrepreneurial skills. You all know how I founded Beautéderm 15 years ago, and we’re still going strong.
“All of these things have shaped me into the woman I am today, thanks to the support of other women such as my mother, sister, daughter, female employees, and female endorsers such as Maja Salvador. We have accomplished a lot in recent years and will continue to do so with your help and the continued patronage of our products, especially the Blanc Set, which improves skin glow.
“If you ask me, true woman’s glow comes from generosity and kindness. While we strive to be the most appealing, we must never lose sight of our inner beauty. Beauty fades, but the way you make others feel never does,” bahagi ng speech ni Ms. Rei kahapon.
- Latest