Ang Revival King may original song na!
Nung radio jock pa ako sa FM band, may ilang pagkakataon kong na-play sa show ko ang mga ni-revive na songs ni Jojo Mendrez. (baka malakas s’ya sa playlist master ha!) Nandyan ‘yung version nya ng Tuyo na’ng Damdamin ng Apo Hiking Society, Magkabilang Mundo ni Jireh Lim at Sana ni Florante. ‘Yung rendition nya ng OPM classic na Handog ay nanalo pang Revival Song of the Year sa PMPC Star Awards for Music noong 2018. (kaya sya na ang Revival King!)
Maraming mga pasubok ang dumaan matapos ang mga naging tagumpay nya. Pero dahil sa pagmamahal nya sa musika, itinuloy nya ang kanyang music career. (laban koya!) Ngayong taon, pinaandaran nya tayo ng “Somewhere in my Past” ni the late Julie Vega at isinulat ni Mon Del Rosario. Ayon sa kanyang management team, meron na itong 50 million collective views sa social media. (gusto ko ng 50M!)
Nitong weekend naman, may bago syang pasabog. Inilunsad nya ang kanyang unang original song na Nandito Lang Ako, composed by Jonathan Manalo, under Star Music PH. (kapamilya level!) Kanino naman kaya nya nasabi ang linyang ‘yan? (basta ako nandito lang sir ha!)
“Huli kong sinabi itong mga linya na ‘to sa mga kaibigan ko. Lalo noong panahon ng pandemya, may mga lumapit sa’kin, humingi ng support. Ang sabi ko sa kanila, nandito lang ako na tutulong na hindi hihingi ng kapalit,” paglalahad ni Jojo. (no mention of particular name ha!)
Hindi naman maiwasang maintriga si Jojo. (lakas maka-artista !) Iniuugnay kasi sya sa aktor na si Mark Herras lalo pa’t madalas silang makitang magkasama. (may pa-flowers pa si Mark sa kanya sa isang presscon!) May lumalabas pang “kissing photo” nila na agad naman niyang sinabing fake ito. (nakakaloka mga ateng!)
“Wala hong ganun. Tingnan nyo, ang nasa isip nyo na ‘yung ganun kasi ayun ‘yung nababasa natin sa social media, napapanood natin. Kaya nandun na ‘yung judgment na talagang meron nangyayari,” pagdepensa ni Jojo. (walang daw ganun mga mars!)
Mukhang hindi talaga sya makakaligtas sa mga tsismis, (talk of the town ba ito?!) dahil tinutukso na rin sya ngayon kay Rainer Castillo. (sino kaya susunod sa mga Starstruck alumni?!) At kung dati si Mark, ang nag-surprise sa mediacon, ngayon naman ay si Rainier. (no flowers pero may pa-tissue kasi cry me a river si Jojo!)
“In-introduce sya sa’kin ni Mark. Tapos si Mark naman ‘yung naging busy. Halimbawa, dapat lalabas kami o may gagawin sa labas or mag-collab kami whatever, lagi syang hindi available. At that time lagi si Rain, si Buboy lagi available. Kaya madalas ‘yung pagkikita namin,” pagpapaliwanag ni Jojo. (i-check nyo na ang availability nyo for sir Jojo!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest