^

PSN Showbiz

Brence Chavez, nakahanap ng ‘gabay’

Pilipino Star Ngayon
Brence Chavez, nakahanap ng ‘gabay’
Brence Chavez

Pag-asa na dala ng bagong pag-ibig ang ibinahagi ng baguhang singer-songwriter na si Brence Chavez sa kanyang debut single sa ilalim ng Star Music na pinamagatang Gabay.

Isinulat niya ang awitin na tungkol sa pagdating ng tao na muling magbibigay-lakas na maniwala muli sa pag-ibig. Inialay ni Brence ang kanta sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanyang pangarap.

“Hindi lang naman po ito para sa sarili ko. Para rin po ito sa pamilya, kaibigan, at mga taong naniniwala sa akin. Sila ‘yung nagbibigay sa akin ng inspiration para makapagpatuloy ako sa pangarap ko,” saad niya sa panayam sa ABS-CBN News.

Kasama ni Brence sa pagsulat ng kanta si Roly Halagao habang iprinodyus ito ni Dan Simon. Nagsilbing supervising producer nito si ABS-CBN Music operations, content, and creative head Jonathan Manalo.

Nagsimula ang musical journey ng Caviteño vocalist sa edad na pitong taong gulang. Sumabak din siya sa mga choral group para mahasa ang kanyang talento at naging main vocalist ng YCF Cavite Provincial Band.

Available na ang debut single na Gabay ni Brence sa iba’t ibang streaming platforms.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with