Demand ng bratinelang aktres, hindi na kinakaya ng production staff
Sino kaya itong aktres na nasa late 20s na tinatawag ng ilang taga-production na “bratinelang aktres.”
Napapagod na raw sila sa kaartehan ng aktres na ito na naging problema na raw sa taping.
Abala raw talaga ang demands nito na minsan ay sobra na at gusto nang sumuko ng mga taga-production.
Ayaw lang idetalye ng nagkuwento sa amin kung ano ang mga pinaggagagawa at mahahalata raw kung sino ang nagkuwento sa akin.
Kapag natanggal na raw ang aktres na ito sa isang drama series na kinabibilangan niya, saka na raw niya ikukuwento sa amin kung ano ang mga pinaggagagawa niya sa set.
Pinag-iisipan na pala siyang tanggalin kapag hindi pa ito nagbago.
Gabbi, gulat sa pagpasok sa Bahay Ni Kuya
Kitang-kita na sobrang gulat na gulat si Gabbi Garcia na siya pala ang susunod na ipapasok sa Bahay Ni Kuya.
Ang ganda pa ng pagkasabi niya sa spiel na abangan kung sino ang susunod na Kapuso na ipapasok sa Bahay Ni Kuya, na siya pala ‘yun.
Inaalala pa naman niya bago pumasok na gutom pa naman daw siya, e walang weekly budget ang mga housemate dahil bumagsak sila sa task na pinagawa sa kanila.
Nakausap pa namin ang Kapuso It Girl sa nakaraang media conference ng Slay at tuwang-tuwa siya kapag ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab na ang pinag-uusapan namin.
Aware siya na ipapasok siya sa Bahay Ni Kuya, pero wala raw talaga siyang ideya kung kailan. “Ayun na nga! Diyos ko, day! Gabi-gabi iniisip ko, kailan ba ako ipapasok nila sa loob ng Bahay ni Kuya. Kasi hindi talaga nila sa akin sinasabi.
“Ang sabi lang, ‘anytime ka.’ So… basta sinasabi anytime. Hindi ko alam kung kailan.
“Okay lang ako pumasok sa loob ng bahay, walang problema. But it’s really ‘yung ‘shocks kailan ba?’ ‘Yun ‘yung bubulagain ka na lang nila, na ‘eto na, my God!’” bulalas ni Gabbi nang makatsikahan namin sa media conference ng bagong series niyang Slay na magsisimula na ngayong gabi sa GMA Prime pagkatapos ng Mga Batang Riles.
- Latest