^

PSN Showbiz

Dyaryo sa digital era…

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Dyaryo sa digital era…

Nagsimula ang mga pahayagan sa tradisyunal na pamamaraan ng pag-imprenta, ngunit sa pag—lipas ng panahon, hindi ito tumigil sa pag-unlad hanggang sa mas pinadali at pinabilis na ang pag-access sa mga balita.

Ngayon ay makakasagap na ng mga balita at real-time updates sa mga modernong paraan gaya ng mga social media platform, website at mga app gamit ang smart phone, tablet o computer.

Gayunpaman, hindi pa rin nagpapahuli ang nangunguna at pinagkakatiwalaang tabloid na Pilipino Star NGAYON (PSN). Patuloy ito sa pag-unlad upang makapaghatid ng balita sa mga Pilipino – mapa-Baby Boomer, Millennial, Gen Z, Gen X at iba pa – saan mang panig ng mundo.

Sa Philstar.com, ang online edition ng PSN, ilang click lamang mababasa na ang mga latest update pati na rin ang mga lumang balita lalo na sa showbiz, na isa sa mga paboritong basahin ng mga Pinoy.

At hindi lang basta mababasa ang mga balita sa digital portal kundi interactive rin ito.

Maaaring magkomento at magbigay ng saloobin ang mga mambabasa tungkol sa artikulong interesante sa kanila.

Naging pampapalipas oras na rin nila ang pagbabasa at invested sa mga pangyayari sa buhay ng mga celebrity kaya walang dudang malaking tulong ang comments section ng website kung saan malaya silang makapagbibigay ng mga opinyon.

Bukod pa rito ay meron itong reactions feature kung saan maaari silang mag-react kung sila ay happy, sad, angry, shocked, o anumang emosyon sa kanilang nabasa.

Makikita rin ang trending at recommended stories upang mas madaling makita ang mga pinaka-pinag-uusapang balita.

Ilan nga sa nag-trending na showbiz news sa nakalipas na araw ay ang tungkol sa aktres na si Ruffa Gutierrez na inanyayahang mag-tour sa Europe at muling inalok ng kasal ng ex-husbang niyang si Yilmaz Bektas, na sinulat ng editor naming si Salve Asis.

Umani rin ng matinding reaksyon at naging invested din ang mga netizen at showbiz personalities sa pagkaaresto kay former president Rodrigo Duterte.

Kaya naman makikita rin sa mga recommended story ng website ng PSN ang lahat ng tungkol sa pag-aresto kay Digong sa mga nakalipas na araw.

Sa search engine ng Philstar.com, i-type lang ang pangalan o subject na gustong hanapin, at lalabas na ang lahat ng istoryang may kaugnayan dito—kaya swabeng-swabe ang paggamit nito!

Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipino Star NGAYON, sa ika-39 na anibersaryo nito, ay patuloy sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa paghatid ng mga makabuluhan at totoong balita sa pamilyang Pilipino.

GEN Z

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with