^

PSN Showbiz

Keanna, inaming na-fall kay John Prats

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Keanna, inaming na-fall kay John Prats
Keanna Reeves
STAR/File

Taong 2006 nang manalo si Keanna Reeves bilang Big Winner sa kauna-unahang celebrity edition ng Pinoy Big Brother. Ayon sa aktres ay naging crush niya noon ang kapwa housemate na si John Prats habang nasa loob ng PBB house. “Siguro naisip lang nila (na scripted) dahil hindi nila naintindihan na showbiz is show business. Siyempre, akala nila scripted sa loob dahil may nagliligawan, may nag-iiyakan, may nade-develop, love team. Emotional lang sa loob talaga na-develop lang talaga doon,” pagtatapat sa amin ni Keanna sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa komedyana ay nagpakatotoo lamang sila noon sa kanilang tunay na nararamdaman habang nasa loob ng bahay ni Kuya. Aminado si Keanna na talagang nahulog ang kanyang loob sa aktor noon. “Kay John Prats, ‘di ba walang kaabog-abog. Naging best friends kami tapos may issue sa loob kasi may girlfriend siya no’ng pagpasok. So paglabas parang naghiwalay ata sila. Umiiyak rin ako kay John Prats kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka daw ma-misinterpret sa labas. Tapos siya naman ‘yung lapit nang lapit. Siya naman ‘yung kiss nang kiss,” nakangiting kwento ng aktres.

Paglabas ng Bahay ni Kuya ay may kanya-kanya nang buhay sina Keanna at John. Hindi na natuloy kung ano man ang namagitan sa dalawa habang nasa PBB. “Siyempre pareho kaming artista, kanya-kanya na kaming buhay paglabas namin. Tapos sa loob lang ‘yon kasi ‘di mo maiiwasan. Gwapo rin naman si John Prats,” pagtatapos ng komedyana.

Shaira, napaiyak sa banyo

Napaiyak si Shaira Diaz nang mabasa ang script at nalaman ang mangyayari sa mga episode ng Lolong: Bayani ng Bayan. Ikinagulat umano ng aktres ang plot twist na magaganap sa naturang serye. “Umiiyak ako sa banyo. Sabi ko, ‘Baba (EA Guzman), nagwo-workshop ako.’ Wino-workshop ‘yung sarili, kasi nagbabasa ako ng script. Nagulat ako sa plot twist ng Lolong. So dapat abangan nila ‘yan,” nakangiting pahayag ni Shaira sa 24 Oras.

Para sa dalaga ay hindi dapat palampasin ng mga manonood ang bawat eksena sa serye. Ginagampanan ni Shaira ang karakter ni Elsie. Ginagampanan naman ng bidang si Ruru Madrid ang karakter ni Lolong. “Siyempre abangan muna nila kung makakatakas ba si Lolong, kung paano niya siyempre masusugpo ‘yung kasamaan. At si Elsie, makakaalala ba? Hanggang kailan ba siya? ‘Yung memorya niya ay wala pa rin,” dagdag ng aktres.

Ngayon ay abala na si Shaira at kasintahang si Edgar Allan Guzman para sa preparasyon ng kanilang kasal. Kamakailan ay inumpisahan na rin ang negosyong milk tea ng magkasintahan na Baa Baa Thai Tea. “Parang itinadhana talaga itong business na ‘to para sa amin. Parang tamang panahon ‘no? ‘Di namin masyado na-feel ‘yung pressure na pagsabayin ‘yung business and ‘yung wedding plans,” paglahahad ng dalaga. (Reports from JCC)

KEANNA REEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with