Andres, NGSB pa rin?!

Sana ay magkaroon na agad si Andres Muhlach ng launching movie na bagay sa personalidad ng isa sa kambal nina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez.
Ang gwapo-gwapo ni Andres, matalino pa.
Ang dami na rin niyang fans kahit hindi siya gaanong active sa social media.
At inspiring ang mga mensahe nila sa kakambal ni Atasha.
Tulad ng isang message na : “Andres, you are more than just an incredible actor—you are an inspiration. Your passion, dedication, and kindness shine so brightly, touching the hearts of so many. Watching you grow and chase your dreams with so much determination is truly beautiful. No matter what challenges come your way, always remember that you are never alone. We, your fans, will always stand beside you, cheering you on with love and pride. Keep believing in yourself, because you are meant for greatness. The world is yours, and this is just the beginning of your amazing journey!?”
At parang unti-unti na ring gumagaling mag-Tagalog si Andres.
Saka sa totoo lang, walang kaere-ere sina Atasha and Andres.
Ang galing ng PR. ‘Yun ay kahit pareho silang sa ibang bansa nag-aral. Naturuan ng mga magulang.
Si Atasha ay nag-aral ng kolehiyo sa London at si Andres ay sa Spain.
Kuwento ni Andres minsan na nagko-commute siya sa Spain.
At siya mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit, nagluluto ng kanyang pagkain, etc. habang nag-aaral sa ibang bansa.
Mas bet din daw niya noon ang maglakad papasok at pauwi galing ng eskwelahan kesa mag-train.
Aniya, naglalakad siya ng 40 minutes, everyday, papunta ng school at pabalik ng kanyang apartment.
At sa tatlong taong ‘yun, tatlong beses din siyang na-snatch sa Madrid. Nung dalawang beses, hindi na raw niya hinabol ang mga kawatan dahil mas natakot siya na baka may sandata ang mga ito.
Pero nung third attempt ng kawatan, na-headlock na niya kaya nabawi niya ang necklace na hinablot nito.
At ang exciting kay Andres, no girlfriend siya since birth, pero ngayon kaya?
Andami na rin niyang mga endorsement kaya naman ang mensahe sa kanya ng amang si Aga sa isang post kamakailan : “Happiest to have been playing golf with this busy young man! @aagupy. Congratulations on the continued success of AMNSE! (Ang Mutya ng Section E! ) Keep up the good work, Mr. Keiffer!!! shot from his instamatic film camera.”
- Latest