PBB housemate, nagsisinungaling kay kuya?!
Isang taong malapit sa isang housemate sa loob ng Bahay Ni Kuya ang nag-react sa kuwento nito tungkol sa kanyang buhay.
Nakiusap siyang huwag nang banggitin kung babae o lalaki kasi baka mahulaan agad, depende sa mga kinukuwento nito.
Pero pinapalabas daw ng housemate na itong mabuti siyang bata na hindi lumalaban sa taong malapit sa kanya.
Sabi ng kausap namin, binabaligtad niya ang kuwento. Sa totoo lang, ang daming nag-react na sinasabing hindi totoo ang kinukuwento nito.
Tila alam ng ibang nakapanood na iniiba ang kuwento nito na akala mo totoo. Paniwalang-paniwala naman ang housemate na kinukuwentuhan niya.
Sinasabi ko na lang na hayaan na lang siyang magkuwento, kung edited man ito o coated at pinapalabas siyang mabuting tao.
Sa tagal niya sa loob ng Bahay Ni Kuya, tiyak na mahahalata naman kung “story telling a lie” lang itong housemate na ito.
May cryptic message ang taong binabaligtad niya ang kuwento, pero ewan ko lang kung ‘yun ang tinutukoy niya. Mabait daw kasi ang taong ito, at tahimik lang siya. Ngayon ay dinadamay siya sa kinukuwento nitong housemate na ito.
Pero sa totoo lang, maganda ang ratings ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na napapanood gabi-gabi.
Pati nga ang pre-programming nitong My Ilonggo Girl ay lalo pang tumaas ang ratings.
Rhian, kakanta na ulit
Masaya si Cong. Sam Verzosa sa magandang rating ng programang Where In Manila na ipinalit sa kanyang Dear SV na napapanood sa GMA 7.
Tumatakbong Mayor ng Maynila si Cong. Sam kaya pinalitan muna nila ang programa niya nitong Where in Manila na hino-host ni Rhian.
Maganda ang concept na naiikot ni Rhian ang mga magagandang lugar sa Maynila.
“Sinasamahan ko siya sa Maynila. Ako na po ‘yung tour guide niya sa Maynila,” pakli ni Cong. Sam nang makatsikahan namin sila ni RS Francisco sa Frontrow office.
Na-enjoy raw ito ng Kapuso actress, kaya masaya na rin si Cong. Sam para sa kasintahan. “Masaya ako siyempre si Rhian ang host at mataas ‘yung rating. Pero ‘yung pinaka-bonus ko dun at masaya ako, napo-promote ‘yung lugar namin sa Maynila,” sabi pa niya.
“Kahit hindi pa ho ako naluluklok bilang mayor, nakakatulong na ako sa pagpo-promote sa lugar namin, dun sa small, micro and medium enterprise ng Manila. Pati ‘yung mga heritage sites, magagandang lugar sa Maynila. Kasi maraming mga kababayan natin, hindi alam na napakaganda ho ng Maynila,” dagdag niyang pahayag. (SUNDAN SA PAHINA 8)
Bilang suporta sa GF, nangako si Cong. SV na magpa-block screening siya ng pelikulang Sinagtala na magso-showing na sa April 2.
Isa sa mga bida si Rhian Ramos sa pelikulang ito na malapit daw sa aktres.
Ang pagkanta kasi ang isa sa hilig ni Rhian.
Napatigil lang siya sa pagre-record ng kanta, pero meron daw siyang inihahandang i-record para sa Women’s Month.
“I haven’t written a new song lately, but I’m planning to record a just a version of a song na that means a lot to me because it’s women’s month.
“So before the month is over, I want to sing it and raise it, just for fun.
“It’s just a song that I loved na may meaning lang for me.
“It’s a song na when I play it in my room, or when I sing it or when I play it in the park I feel empowered. So kaya ko siya gustong i-share, kahit mas magaling naman ‘yung original,” saad ni Rhian Ramos sa media conference ng pelikulang Sinagtala.
Ire-record niya ang sarili niyang version ng kantang I Am Woman ni Emmy
Melli at bongga naman ang pa-sample niya sa kantang ito.
- Latest