^

PSN Showbiz

Derrick, pakakasalan na si Elle

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Derrick, pakakasalan na si Elle
Elle Villanueva at Derrick Monasterio
STAR/ File

Dalawang taon nang magkasintahan sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva. Nararamdaman na umano ng Kapuso actor na malapit na niyang pakasalan ang dalaga. Napag-uusapan na rin umano ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib. “Feeling ko hindi pa pero malapit na, napi-feel ko na,” pagtatapat sa amin ni Derrick sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ngayon ay dalawampu’t siyam na taong gulang na ang binata. Para kay Derrick ay maaari nang lumagay sa tahimik kapag tatlumpung taong gulang na ang isang lalaki. Ayon kay Derrick ay plano pa niya munang makapagpundar ng sariling bahay bago pa niya pakasalan ang aktres. “Feeling ko hindi pa (magpapakasal), Tito Boy. Kasi medyo nasa halfway pa lang ako ng goals ko. Kasi I want to build myself up first. I want to be able to have my own house. I want to be able to prove to her mother that I’m worthy. Kasi siyempre inalagaan siya ng magulang niya. So gusto ko gano’n din ‘yung maibibigay ko sa kanya,” makahulugang pahayag ng Kapuso actor.

Paolo, nakipagsabayan sa mga bagets

Mapapanood na si Paolo Contis sa Mga Batang Riles tuwing gabi sa GMA Network. Ginagampanan ng aktor ang karakter ni Jackson Romano. Si Jackson ang walang-awang crime boss na bagong titingalain ni Matos na karakter naman ni Bruce Roeland. “It’s a very challenging role. Very physical kasi sobrang action siya tapos siyempre kailangan mong sumabay kina Kokoy (de Santos), Miguel (Tanfelix), Bruce. Puro masisigla ‘yung bata eh,” nakangiting pahayag ni Paolo sa 24 Oras.

Para sa dating child star ay posibleng malayo rin ang marating ni Bruce sa show business. Madalas na si Paolo ang nakakaeksena ng baguhang aktor. “Very professional na bata. He knows he has a lot to work on. He has a lot to learn at hindi siya nahihiya magtanong,” paglalarawan ni Paolo kay Bruce.

Nagkataon umano ang ginagawang pagwo-workout ni Paolo bago pa man mapabilang sa naturang serye. Pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel, Anton Vinzon at Bruce ang Mga Batang Riles. “I’ve been running, lifting weights, keeping myself healthy. So sakto no’ng dumating ‘tong opportunity sa Mga Batang Riles. I was very physically prepared,” pagbabahagi ng aktor.

Kabilang din sa action-drama series ng GMA Network sina Diana Zubiri, Desiree del Valle, Jay Manalo, Ynez Veneracion, Ronnie Ricketts, Roderick Paulate at Zephanie.

(Reports from JCC)

ELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with