Ysabel at Miguel, naka-dalawang taon na!

May kanya-kanyang proyektong pinagkakaabalahan sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix. Kahit parehong abala ay sinisikap umano ng magkasintahan na maging maayos at masaya pa rin ang kanilang relasyon.
“Actually, we talk about how to handle ang relationship namin na ngayon nasa separate shows na kami. Parang we had the time to develop and to work on what we have,” nakangiting pahayag sa amin ni Ysabel sa Fast Talk with Boy Abunda.
Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Ysabel at Miguel. Napababalitang nagpaplano nang magpakasal ang dalawa sa mga susunod na taon. “Sa ngayon we’re focused naman on growing as solo people, growing ourselves. I think that’s our priority po in the next two years. It’s something that we talk about. Pero feeling ko hindi pa sa 2027. Definitely it’s something that we’re talking about,” pagtatapat ng dalaga.
Hiningi rin namin ang opinyon ni Ysabel tungkol sa posibilidad ng pagpo-propose ng isang babae sa kasintahang lalaki. “Ako hindi talaga. Kasi hopeless romantic po ako, Tito Boy. I grew up talaga, pinalaki ako ng mama ko na traditional talaga. Kailangan aakyat ng ligaw ‘yung lalaki. Kailangan mag-e-effort din ‘yung lalaki to show how much he loves you. I think that’s one of the ways din. I have never thought of it talaga,” makahulugang paliwanag ng Kapuso actress.
Sanya, apektado kina Barbie at Jak
Isa si Sanya Lopez sa mga nalungkot dahil sa paghihiwalay nina Barbie Forteza at Jak Roberto kamakailan. Tumagal ng pitong taon ang relasyon nina Barbie at Jak. Bilang nakababatang kapatid ng aktor at nirespeto naman daw ni Sanya ang naging desisyon ng dating magkasintahan. Malapit na magkaibigan din sina Barbie at Sanya. “I respect their decision kasi sila ‘yon eh. Kumbaga nandito lang naman ako to support both of them,” paglalahad ni Sanya sa GMA Integrated News Interviews.
Proud ang dalaga dahil sa isang bagong bahay na naipundar ni Jak. Umaasa si Sanya na magsisilbing inspirasyon sa mga tagahanga ang naging buhay nilang magkapatid. “Nakakaiyak, nakaka-proud for him na finally you have your own house and lahat ng mga pinaghirapan niya. Ang cute lang, unti-unti nakikita mo na, ‘ah meron pala talagang nangyari sa life namin.’ Kasi before no’ng bata kami, ang thinking na lang namin pa’no kaya kami makaka-survive? Pa’no kaya kami kakain tatlong beses sa isang araw?’” kwento ng aktres.
Samantala, wala pa umanong opisyal na karelasyon si Sanya. Iginiit ng aktres na single pa siya sa ngayon. “Dating lang po, not yet taken, still single. Just enjoying my life,” pag-amin ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest