Wala raw tamis ang pagbati...Gerald, sa motor pinag-birthday si Julia

Sa motor lang nag-celebrate ng birthday si Julia Barretto, angkas ng karelasyon si Gerald Anderson.
Sa post nga ni Gerald ay nilagyan niya ito ng caption na “Birthday Ride with the Birthday Girl Happy Birthday Mi bebé?”
Twenty eight years old na si Julia.
Pero may apela ang followers nila. Ba’t daw walang I love you si Gerald sa actress.
Wala man lang daw katiting na sweetness.
Pero siyempre mas marami naman ang happy sa relasyon nila na feeling ng mga kaibigan nila ay going stronger.
Anyway, sa post naman ni Julia ay nagpasalamat siya : “28!!! So grateful for another year, and to everyone sending their love today. Means the world to me”
Hopia ang mga fans nila na magpo-propose na talaga ang actor kay Julia.
- Latest