^

PSN Showbiz

Igan, kilala ang aktres na kinasuhan ng misis ng pulitiko!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Igan, kilala ang aktres na kinasuhan ng misis ng pulitiko!

Nakakaloka naman ang pa-blind item ni Arnold Clavio tungkol sa pulitiko na nahuli raw ng misis na pulitiko rin na pumunta sa bahay ng diumano’y kabet nitong aktres.

Humiling na raw ang istasyon ng pulis sa homeowners ng exclusive subdivision ng kopya ng CCTV para raw sa dagdag na ebidensya.

Sino kaya ang aktres na ito?

Ang say pa ni Igan, minsan daw ay nakita ang mister na pulitiko na puro kalmot sa mukha sa isang pagtitipon.

Madalas din daw kasing mag-away ang mag-asawang pulitiko.

Mukhang napuno na nga raw ang misis ng pulitiko dahil kinasuhan na nito ang mister.

Tinakpan ang mga pangalan ng sangkot sa kaso pero mababasa pa rin ang mga pangalan nila.

May hula na ang mga marites base sa pangalang nakasulat na medyo mahahalata pa rin.

Hindi ko kilala ang starlet na ito na kung totoo nga na siya ang tinutukoy na kabet ng pulitiko.

Mahilig daw mag-travel ang aktres kahit wala siyang masyadong project at puro luxury bags.

Bigay kaya iyon ng karelasyong pulitiko?

Napagkamalan pa ngang si Kim Domingo ang nasabing starlet. Kasi binulong sa akin ni Igan kung sino ‘yun kaya absuwelto si Kim.

Hahaha.

Maapektuhan kaya ang trabaho ng starlet na ito sa kasong isinampa ng misis ng pulitiko?

May ginagawa pa naman daw itong serye sa kasalukuyan kung talagang siya nga iyon.

Paano kaya niya ito malulusutan?

Well, nakita ko na ang dokumento at sa totoo lang hindi ko maalala ang mukha ng starlet na ito kahit pa sabi nila ay nagbida na sa mga teleserye.

Well, hindi bongga.

AKTRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with