^

PSN Showbiz

Direk Lino, interesadong bigyan ng trabaho si Mark

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Lino, interesadong bigyan ng trabaho si Mark
Mark Herras

Interesado si Direk Lino Cayetano na makatrabaho ulit si Mark Herras sa pelikula. Si Mark ang StarStruck Ultimate Male Survivor na hanggang nga­yon ay ayaw tigilan ng intriga dahil sa raket sa gay bar at diumano’y pagiging close sa isang gay rich businessman na si Jojo Mendrez.

Nagbabalak nga si Direk Lino na pagsama-samahin ang StarStruck discoveries sa isang reunion movie (siya ang director ng mga naunang StarStruck edition).

“Ako, it’s been 20 years. Parang interesting to have a reunion,” pahayag ng direktor/producer pagkatapos na red carpet premiere/mediacon ng horror/suspense thriller film na The Caretakers na co-produced ng Rein Entertainment at Regal Films.

Ipi-pitch pa lang daw niya ang ideya sa GMA 7, mother station ng StarStruck o sa ibang produksyon tulad ng Regal.

Pero sa ngayon ay hindi niya muna ‘yun magagawa dahil tumatakbo siya bilang kongresista ng Taguig-Pateros sa May elections na kumbaga ay hindi walk in the park ang kanyang laban dahil ang kalaban niya ang tinutulungan ng kapatid niyang si Sen. Alan Peter Cayetano.

At ang mensahe ni Direk Lino kay Mark, “Isa ka sa mga pangarap kong makatrabaho (na) leading man since we started out. Unang beses na nakita kita 10 years ago na sumasayaw sa dance floor, so sana mabigyan mo kami ng pagkakataon na we all make a movie together.”

Matagal-tagal na umano silang hindi nagkikita ni Mark mula nang lumipat siya ng ABS-CBN. Pero from time to time, nagkikita sila ng iba pang ‘StarStruck’ alumni gaya nina Cristine Reyes, Katrina Halili, Nadine Samonte, Sheena Halili, atbp.

Samantala, masaya na rin sila sa resulta ng The Caretakers kung saan puring-puri ng mga nanood ang kahusayan nina Dimples Romana at Iza Calzado sa pelikula. Nagsimulang ipalabas ang The Caretakers sa mga sinehan noong Miyerkules.

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with