Mark, sinagot ang donasyong milyones ng singer / negosyanteng si Jojo Mendrez; Baron, may paliwanag sa pagkakakulong

Nagkaroon ng exclusive interview ang major star reporter ng TV5 na si Ms. MJ Marfori kina Mark Herras and Baron Geisler kahapon.
Kakahanap raw kasi niya ng story, pinuntahan niya talaga ang dalawang controversial actors sa story conference ng kanilang pelikula na pagsasamahan.
But in a way, safe naman daw ang mga sagot sa kanya ni Baron.
Sabi raw ng actor, ang lawyer na lang niya ang magsasalita tungkol sa nangyari sa kanya.
Nalasing, nagwala, nahuli at nakulong si Mark sa Cebu ayon sa mga lumabas na balita. Pero nakalaya siya matapos umanong magpiyansa noong February 22.

Kaya naman hindi tinantanan ni MJ kumbaga.
MJ: What happened?
Baron: “I’m all well and don’t believe those lies.”
MJ: So its not true na nahuli ka?
Baron: “Ano na lang i’ll let my lawyer handle all of those allegations. Yung wife ko ‘yung sobrang mas intense minessage niya mga tao she even called the police station this morning hanggang doon na lang muna.”
Dagdag niya pa ni Baron sa panayam ni MJ : “Naapektuhan ‘yung family ko so hindi ako papayag na gawin na kahit kanino ito kasi maling-mali talaga kailangan ng hustisya the truth will come out very very soon.”
Samantala, si Mark naman ay todo tanggi kay MJ na may investment sa pinagagawa niyang bahay ang controversial singer na si Jojo Mendrez.
Sabi niya kay MJ, dugo’t pawis aniya ang puhunan niya sa nasabing bahay nila ng misis na malapit nang matapos.
Wala raw malisya ang ‘relasyon’ nila ng negosyante and in fact kasama niya ang misis niya at nasa kotse lang ito nang magbigay daw siya ng flowers kay Jojo sa media launching ng revival ng kantang Somewhere in the Past na may 45 million streams / views na sa kasalukuyan.
Maalalang ayaw magkomento ng businessman-singer na may kumalat na video nila ni Mark kamakailan na nasa isang hotel casino.
Tumanggi rin si Jojo na pag-usapan ito sa ginanap na launching ng kanyang newest song the other night pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Star Music.
Aminado rin ang Revival King na ang laki ng epekto nito sa kanya at sa kanilang pamilya lalo na nga at ang dami niyang natanggap na kung anu-anong komento.
Pero tuloy ang pagmamalisya sa kanila. Hanggang kumalat nga ang diumano’y pagbibigay niya raw ng milyones sa bahay nila na itinanggi na ng dating alaga ni Nay Lolit Solis.
Ang wife na ni Mark na si Nicole Kim Donesa ang nagma-manage sa kanya at aniya ay masaya siya dahil hindi na napupunta sa iba ang komisyon.
- Latest