Camille, ibang level ang pagmamaldita!

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na tuwing hapon sa GMA Network ang Mommy Dearest na pinagbibidahan ni Camille Prats, Shayne Sava at Katrina Halili. Ginampanan ng Camille ang karakter ni Olive na isang kontrabidang ina. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lamang ito naranasan ni Camille. “Sa pagkakatanda ko, Tito Boy, wala pa akong nagawang ganitong level ng kontrabida. Although before, meron man hindi ganitong level eh. Ito kasi masama talaga siya eh, nananakit siya, masama,” bungad ni Camille sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para sa dating child star ay talagang kaabang-abang ang kwento ng bagong serye.
Ngayon lamang umano matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang istorya ng naturang GMA Afternoon Prime series. “Para sa akin kasi kakaiba ito sa lahat ng napanood at ginampanan ko. It’s really different kind of love and I can’t really say kung pagmamahal ba talaga siya dahil hindi naman siya nagta-transcend as love but still coming from a mother. ‘Yon siguro ‘yung exciting na kailangan nilang panoorin. Anong klaseng nanay ba ito? Meron ba talagang ganitong klaseng ina,” paliwanag niya.
Labingpitong gulang na ngayon ang panganay na anak ng aktres na si Nathan. Anak ni Camille ang binatilyo sa namayapang asawa na si Anthony Linsangan noong 2011. Bilang magulang ay sinisikap na gampanan ni Camille ang mga tungkulin sa anak. “VJ and I, we try our best to be very intentional with him. Especially because lumalaki na siya. Lagi naming sinasabi sa kanya ang pros and cons ng mga bagay-bagay. We let him decide din,” pagbabahagi ng dating child star.
Muling ikinasal si Camille noong 2017 kay VJ Yambao. Mayroon na ring anak sa dating kasintahan ang mister ng aktres na si Ice. Nabiyayaan naman ng dalawang anak na sina Nolan at Nala ang mag-asawa. “When VJ came to our lives, he (Nathan) was about 4, 5 years old. So parang siya na talaga ‘yung nakagisnan ni Nathan na tatay. Pagdating naman kay Ice, I think he was about 8 or 9 years old. Hindi ko kasi ipinilit ‘yung sarili ko sa buhay niya. Kasi meron naman siyang nanay at tatay. Pagdating sa pagtanggap, I can’t really speak for him. Pero ever since naman na nakilala ko ‘yung batang ‘yon, hindi naman niya ako trinato na parang hindi nirerespeto bilang asawa or partner ng daddy niya,” paglalahad ng Kapuso actress.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres nang minsang bigyan siya ng liham ng anak ni VJ. “Sinulatan niya ako, ang haba, Tito Boy, 2 pages na back-to-back. Medyo kinabahan din ako na parang ang dami naman niya sinabi. But at the end of that message, ang sabi niya, ‘Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin kita tinatawag na mommy when all this time, ‘You have always treated me as someone who is your own, Happy Mother’s Day, mom.’ It’s really very special to me, even up to this day. Kasi ang pagiging ina, kung meron mang na-reveal sa akin, is that madaling magmahal ng sarili mong dugo. Pero ‘yung mahalin ka ng batang hindi nanggaling sa iyo, walang kapantay ‘yung pagmamahal at ‘yung saya na naibibigay niya,” makahulugang kwento ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest