Tito Sotto, na-enjoy ang taTlong taong pahinga sa pulitika

Aminado si senatoriable Tito Sotto na na-enjoy niya ang tatlong taong pahinga sa pulitika kasabay ng pagbalik niya sa Eat Bulaga.
Kaya sa isang interview ng ilang entertainment press sa ginanap na presscon ng Alyansa ng Bagong Pilipinas several days ago naitanong sa kanya kung anong pakiramdam na kailangan na naman niyang iwan ang kanilang programa at balikan ang pangangampaanya.
“The last 3 years, we definitely enjoy the therapy of Eat Bulaga. Enjoy kami roon. And we’re very fortunate to win all the cases we filed,” mabilis na sagot nito na ang isa sa tinutukoy ay ang panalo niya sa laban sa title na Eat Bulaga.
Naninibago ba siya sa mga ganap sa kasalukuyan? “I was always in touch with my colleagues in the Senate. As a matter of fact, hindi naman nawawala sa pagkuwento ang mga dating senador, lalo na `yung mga inabutan ko diyan,” sabi niya pa.
Mataas sa survey si Tito Sen : “I hope they’ve not only forgotten my name, I hope they’ve not forgotten what I have done in the past 24 years in the Senate,” sabi pa niya.
Pero ang hindi namin naitanong ay kung magtutulungan ba sila sa kampanya ni Kiko Pangilinan.
Maaalalang noong 2022 ay naglaban sila sa VP position. Sadly pareho silang talo.
Si Tito Sen ay kasal sa aktres na si Helen Gamboa, kapatid ng ina ni Sharon Cuneta na si Elaine. Si Pangilinan ang hubby ng Megastar.
This time kaya magkasundo sila na magsuportahan?
Samantala, naitanong din sa nagbabalik na pulitiko, kung ano ang masasabi niya na TVJ ang mga tinitingalang mga bayani sa musika nila Ely Buendia.
“Oh, thank you so much. Thank you so much. Pero sila ang mga bagong heroes ng entertainment industry, especially the music industry. Sila naman ‘yon. The feeling is mutual,” sabi pa ni Tito Sen sa ilang kausap na entertainment media.
- Latest