^

PSN Showbiz

Southeast Asia’s comedy legend Kumar, nagbabalik sa Pilipinas!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Southeast Asia’s comedy legend Kumar, nagbabalik sa Pilipinas!
Ipinanganak at pinalaki sa makulay na underground comedy scene ng Singapore, si Kumarason Chinnadurai, na mas kilala bilang Kumar, ay walang takot na sumunod sa sariling landas.

Mahilig ang mga Pinoy sa komedya na relatable, candid, at medyo maanghang—at si Kumar ang master ng lahat ng ito. Mula sa pagpe-perform sa mga sold-out show, malalakas na palakpakan ng fans at mga bagong tagasuporta sa iba’t ibang panig ng mundo, tuloy ang pagbiyahe ng Southeast Asia’s most iconic stand-up comedian para sa kanyang world tour. Nagbabalik ang comedy legend sa Manila para sa Beats, Rhymes & Punchlines sa Pebrero 22 sa Newport World Resorts.

Ipinanganak at pinalaki sa makulay na underground comedy scene ng Singapore, si Kumarason Chinnadurai, na mas kilala bilang Kumar, ay walang takot na sumunod sa sariling landas.

Sa mahigit tatlong dekada, nag-transform siya mula sa local act patungo sa international star, sa pamamagitan ng iba’t ibang role gaya ng pagiging comedian, TV host, actor, dancer, director, at author.

Ang kanyang quick wit at humor ang nagpasikat sa kanya bilang isang icon sa Singapore at Malaysia, na nagbigay-impluwensya sa entertainment scene sa rehiyon sa ilang henerasyon.

Ngayon, ang mga manonood sa Manila ay handa na sa hatid na nakakaaliw na palabas habang pinalalakas niya ang stage sa kanyang performance na puno ng entertainment magic.

Ito na ang huling pagkakataon na makitkia si Kumar na maghahatid ng kanyang punchlines nang live—walang filter, censor, at hindi matatawarang pagpapatawa sa Beats, Rhymes & Punchlines sa Newport Perfor­ming Arts Theater.

Mayroon pang ilang natitirang ticket para sa Beats, Rhymes & Punchlines sa https://www.ticketmelon.com/lol-asia/kumarbrpph. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa customer care hotline ng Newport World Resorts sa (02) 7908 8888 o mag-email sa [email protected]

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with