^

PSN Showbiz

Kim at Paulo, tinodo ang ‘tikiman’ sa kanilang pelikula!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim at Paulo, tinodo ang ‘tikiman’ sa kanilang pelikula!
Paulo Avelino and Kim Chiu
STAR/ File

Pasabog ang trailer ng pelikulang My Love Will Make You Disappear starring Kim Chiu and Paulo Avelino.

As in tagos ang kiligan. Ibang--iba ang mga eksena at dialogue ni Kim sa mga nauna niyang ginawang pelikula lalo na nang sabihin niya ang linyang “gusto ko nang makipag-s...” at ‘ipinasok mo sa cookie ko.’

Hahaha. Bongga.

Kahit sa ginanap na media conference nito kahapon, talagang napuno ng kilig.

Pero aminado si Kim na ito na ang pinaka-mahirap niyang romcom movie at kinakabahan siya tuwing darating sa shooting.

Ang dami niya raw natutunan dito na kailangan niya sa totoong buhay. Dahil may suntok ang character niya  at hindi lang basta pakilig.

At talagang tinodo na raw nila rito at ibang-iba ito sa mga teleserye nila - Linlang and What’s Wrong with Secretary Kim.

Mature ang pagkakalatag ng roles nila pati ang characters ayon kay Paulo.

Kaya sa mga intimate scene  nila, todohan, take one agad, at pinaganda raw nila nang pinaganda ‘yung material para iba sa naunang ginawa nila at may bagong mapapanood sa kanila.

Inulit lang ni Kim na wala siyang jowa ngayon na ikinatili ng kanyang fans na andun sa media conference dahil action speaks louder than words daw talaga.

Damang-dama ng lahat ang love nila sa isa’t isa lalo na inamin ni Paulo na tingin pa lang ni Kim, kinikilig na siya.

Ang saya ng kilig na kahit hindi na sila mga teenager, andyan talaga ang loveteam nila.

Showing na sa March 26 ang My Love Will Make You Disappear.

At may 11 international posters sila.

KIM

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with