^

PSN Showbiz

Direk Lino, nabunutan ng tinik!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Lino, nabunutan ng tinik!
Lino Cayetano
STAR/ File

True naman parang telenovela ang pinagdaanan sa pagbalik sa pulitika ng director / producer / politician na si Lino Cayetano.

Kumakandidato siya bilang kinatawan ng Taguig sa Kongreso pero iba ang sinusuportahan ng kanyang kapatid na si Senator Alan Cayetano.

Aminado si Direk Lino na gulat siya sa mga pangyayari lalo na at dalawang beses siyang nag-give way sa kanyang hipag na si  Lani Cayetano, misis ni Sen. Alan, na bumalik sa pwesto bilang Mayor ng Taguig City noong 2022 at ngayong 2025.

Sa isang forum with the entertainment press, inamin niyang inaasahan daw niyang susuportahan siya ng kanyang kapatid ngunit iba ang naging kinalabasan.

Bukod pa sa may nag-file ng disqualification niya sa COMELEC dahil hindi diumano siya residente ng Pateros / Taguig.

Pero kinatigan siya ng korte, nabunutan na siya kumabaga ng tinik sa dibdib: “Lubos naming ipinagpapasalamat na kinilala ng Korte ang katotohanan— kami ay tunay na residente ng Unang Distrito (Taguig-Pateros). Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng Korte ng Taguig na pinagtitibay ang aming paninirahan sa Barangay Ususan at kinikilala ang aming karapatan bilang mga lehitimong residente at rehistradong botante,” sabi niya sa isang statement.

“Ang hatol na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng aming konstitusyunal na karapatang bumoto kundi pati na rin ng pangunahing prinsipyo na ang bawat mamamayan ay may kalayaang pumili ng kanilang tirahan,” dagdag niyang pahayag matapos ngang ilabas ng korte na siya at legal na tagaroon.

Sa isang interview ay sinabi niya na hindi niya maintindihan kung bakit may pumipigil na ilang mga tao na tumakbo siya sa unang distrito. Naalala niya na nasa kainitan siya ng kanyang career nang alukin siya noong tumakbo ng barangay captain upang matulungan ang kanyang sister in law. “It was the height of my career. Kasi, I was doing Noah with Piolo (Pascual) and, at the time, Zaijian (Jaranilla), who had just finished May Bukas Pa,” pag-aalala niya sa nauna naming interview.

Samantala, tuloy naman ang pagpo-produce ng pelikula ng kanilang kumpanya na Rein Entertainment kung saan nakipag-partner na sila sa ABS-CBN, iflix, GMA, Viva, at ngayon, sa pelikulang Caretakers kasama ang Regal Films.

“Naniniwala ako sa kahalagahan ng partnerships. Noong panahon ng pandemya, naging

partner ko ang ilang mga mayor na hindi ko kasama sa politika. Bilang producer, saksi ako na

kahit ang mga magkakaribal na produksyon ay nagsama-sama para sa ikabubuti ng

nakararami,” sabi ni Lino pagkukumpara niya sa pagiging pulitiko at producer.

LINO CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with