Mga gullible sa social media, pinag-iingat ni Sam
Parang ang laking issue sa social media ng pag-amin ni Sam Milby na totoong wala na sila ni Catriona Gray at hindi si Moira ang third party sa kanilang hiwalayan.
Pero ang isang gusto ko sa sinabi ni Sam ay ‘yung mag-ingat ang social media users sa kanilang nababasa at mabilis na judgement.
Oo naman. ‘Wag maging gullible at basta paniwalaan ang mga nagkalat na kuwento sa social media.
Dialysis, nakaka-bore
Kaloka naman talaga ‘pag nagda-dialysis ako. Boring, four hours na nakaupo ka habang nakasalang sa dialysis.
Wala namang sakit except siyempre sa tusok ng dalawang karayom, pero iyon long hours ng proseso ang nakakaloka dahil wala kang ginagawa.
Lahat ng naughty thoughts dumaraan sa utak mo. Kung minsan nga natatawa na lang ako dahil bakit ako nakakaisip ng ganun.
Kaloka talaga. Pero ganun talaga ang buhay. No choice ako kundi gawin ‘yun or else alam na ang mangyayari.
Hahahaha.
Basta ang stem cell ang feeling ko ang nagpapalakas sa akin ngayon at nagdudugtong ng buhay ko.
Dalawang beses akong nagpa-stem cell sa Germany at ramdam ko talaga na ‘yun a kaya nadudugtungan ang buhay ko noh.
Buti na lang at twice a week lang ‘yung dialysis or else, talaga magde-demand na ako na ipagbawal ang dialysis.
Hahahaha. Joke joke.
- Latest