^

PSN Showbiz

Sam kay Moira: ‘sobrang close kami before, we are not friends anymore’

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sam kay Moira: ‘sobrang close kami before, we are not friends anymore’
Catriona Gray at Sam Milbhy.
STAR/ File

Nagsalita na si Sam Milby tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Catriona Gray. Unang pumutok ang tungkol sahiwalayan ng dalawa noong isang taon. Matatandaang naganap ang engagement nina Sam at Catriona noong 2023. “Kami ni Cat, we’ve always been private about our relationship. We share certain things no’ng na-engage kami. But in terms of the details, ang buhay namin, we haven’t really shared,” pahayag ni Sam sa ABS-CBN News.

Kamakailan ay hindi magkasama o magkatabing nanood sina Catriona at Sam sa concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum. Nag-trending naman ang video ng beauty queen na naging emosyonal umano sa mga kanta ni TJ. “If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay. Kahit after ng concert I said, I’ll go to the backstage. ‘coz we’re okay,” giit ng binata.

Nag-viral din ang video sa isang event na dinaluhan ni Catriona kamakailan. Kapansin-pansin sa naturang video na nilampasan at hindi pinansin ng Miss Universe 2018 si Moira dela Torre. Nagkaroon ng mga espekulasyon ang netizens na diumano’y ang singer ang posibleng dahilan ng hiwalayan nina Sam at Catriona. “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all. It makes me sad, may babala ako sa mgatao. Please mag-ingat kayo sa mga nakikita n’yo sa online. If there’s no evidence, ‘wag n’yong paniwalaan ‘yung nakikitan’yo because in this incident, there’s absolutely no truth to it all,” paglilinaw ng aktor.

Ayon kay Sam ay talagang naging malapit sila ni Moira sa isa’t isa lalo noong nagsisimula pa lamang ang singer sa show business. “Sobrang close kami before and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin. We are not friends anymore. It’s an issue that’s really sensitive,” dagdag pa ni Sam.

Vina, pag-arte muna ang aatupagin

Nagsimula na ang taping ni Vina Morales para sa ‘Cruz vs. Cruz’ na bagong teleserye ng GMA Network. Sina Vina at Gladys Reyes ang mga pangunahing bida sa naturang serye. Muling napasabak ang aktres sa paggawa ng mga dramatic scenes. “Sobrang bigat na kaagad kasi it’s magkasunod namabibigat na mga eksena with my daughters, mga kids ko. And of course, si Neil (Sese) na first time ko rinmakatrabaho,” nakangiting bungad ni Vina sa 24 ORas.

Talagang pinaghandaan umano ng aktres ang kanyang pagbabalik sa Kapuso network. Sa ngayon ay ang pag-artemuna ang pagtutuunan ng panahon ni Vina. “I’m just happy for what I have. Kung ano ‘yung mga projects na meron ako one at a time. Kasi ngayon siguro mas nagpo-focus ako sa acting, why not? And then I was also working last year for doing concerts abroad. ‘Yon nga lang, sa abroad lang ‘yung concert ko,” pagbabahagi ng singer-actress.

(Reports from JCC)

CAT

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with