Alex, feel sanang asawahin si Piolo

Nakakaaliw itong Valentine’s episode ng vlog ni Alex Gonzaga sa kanyang You Tube channel kasali ang asawa niyang si Mikee Morada at ang mag-asawang direk Paul Soriano at Toni Gonzaga na ang concept ay Answering hot questions infront of your partner na sinasabayan nila nang pagkain ng buffalo wings na may super hot sauce.
Sa bandang huli ng mga question, aliw ang sagot ni Alex sa tanong na “Sinong personality ang aasawahin mo kung hindi ako ang napakasalan mo.
“Yung katulad mo,” safe na sagot ni Mikee kay Alex.
Pa-bardagol naman ang buwelta ni Alex na kung mala-Mommy Pinty ba. Tipong ganun naman daw sagot ni Mikee. “Kaya pala minsan nakatitig ka sa Mommy,” hirit pa rin ni Alex.
Ang nakakalokang sagot naman ni Alex ay si Piolo Pascual daw ang gusto niyang asawahin kung hindi naging sila ng asawa niya. “Kung hindi ako pinakilala ni PJ (Piolo) dito (Mike), siya yung pinakasalan ko. Kasi ‘di ba nanligaw din before? Okay naman siya sa akin kahit mang-aasar,” sabi pa ni Alex.
Siyempre, hindi na nila sineryoso ang sagot ni Alex, na alam naman nilang pakuwela lang iyun ng comedienne/TV host at vlogger.
Ang magandang tingnan sa kanilang pag-uusap, nakikita talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
At si Toni kung hindi raw si direk Paul ang napangasawa niya, gusto niya ang personalidad ni Pierce Brosnan. “Uy nakita nyo ba si Pierce Brosnan? Yung asawa niya ngayon, ‘yun pa rin ang asawa…tapos ang dami niyang sweet photos na wow, ang rare nun ha?” bulalas ni Toni Gonzaga.
Sa tagal nang pagsasama nila ni direk Paul bilang mag-asawa, marami raw nabago sa kanila.
Sagot ni direk Paul sa significant changes daw kay Toni; “Very outspoken, communicating more now, telling me how she feels, and of course sweeter. Minsan siya talaga ‘yung nagyaya ng sex all the time…”
Dedma na si Toni na tawang-tawa naman si Alex. “Pareho kasi sila ng humor. Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t-isa,” buwelta ni Toni sa hirit ng asawa niya.
“Ako ang significant change kay Paul…well, kasi choice ko yun dati. Ayokong i-involve sa anything na ginagawa niya. Ngayon, talagang everything, eto na, eto na lahat na ginagawa ko.
“E kasi dati nga, wala akong pakialam sa ganito…bahala. Ngayon, nangingialam na ako. Lahat pinapakialaman ko. To the point na yung mga brief ko rin pinipilian niya. In-overhaul ko lahat, binibili ko lahat,” dagdag niyang pahayag.
Naka-relate naman si Alex nang nabanggit yung brief. Aniya; “Si Mikee naman dahil ang isa sa significant na nangyari sa kanya, medyo nag-iba na rin yung katawan niya. So, mga brief na rin niya sinusuot ko. Kasi sabi niya hindi na to kasya sa akin, kaya sinusuot ko talaga.”
Andrew E, pasok sa buong kampanya ng alyansa
Time management na raw si Cong. Toby Tiangco pagdating ng March 28 na kung saan ay magsisimula na ang pangangampanya ng tumatakbo ng local position.
Kandidato pa ring Congressman ng Navotas si Cong. Toby, pero hati na ang mga gawain nito bilang campaign manager at spokesperson ng Alyansa ng Bagong Pilipinas na partido ni Pangulong Bongbong Marcos.
Bilang campaign manager ng Alyansa, sakop din niya ang pagkuha ng mga entertainers na nakakatulong naman daw sa iniikutan nilang sorties.
“Kasi siyempre habang naghihintay naman sa mga kandidato, mahirap naman na walang nag-entertain sa kanila. For example, magsisimula ngayon yung first speaker ng 4. So, habang naghihintay ang mga tao, dapat may nage-entertain naman sa kanila.
“Not as endorsers. Yung mga kinukuha naman naming celebrities sa stage, they don’t really endorse e. They just perform, para lang masaya yung tao,” saad ni Cong. Toby.
May mga coordinators daw silang kumakausap sa mga performers nila. Ang tanging kinausap lang daw niya ay si Andrew E na kinontrata na nila para sa lahat na iikutan ng kanilang Alyansa.
“Kinuha namin siya for all sorties. Kaya ako yung nakipag-usap because the package was to get him for all sorties,” dagdag niyang pahayag.
Pero natutuwa raw siya sa mga nagpe-perform sa mga iniikutan nila.
“Magaling naman lahat. Yung isa, tawang-tawa ako e.
“Yung mga inabutan ko namang mga artists, lahat magaling.
“Kasi medyo late na ako dumating…si Vina Morales, magaling. Yung isa pa tawang-tawa ako, si Wacky Kiray ba yun? Tawang-tawa ako sa performance niya. Masaya,” pakli ni Cong. Toby sa presscon ng mga kandidato nila na ginanap sa Citadines, Macapagal Avenue noong Martes.
Pagkatapos nun ay tumuloy sila sa kanilang proclamation rally na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
- Latest