^

PSN Showbiz

Manny, walang keber sa bashers ni Jinkee

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Manny, walang keber sa bashers ni Jinkee
Manny Pacquiao.

Wala nang keber ang mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao sa mga basher na ayaw tigilan ang posts nilang mga luxury item at maging ang kanilang mansion.

Hilig naman talagang mag-post si Jinkee ng mga OOTD niya noon pa – branded clothes, bags and shoes. Tho lately, wala na itong caption.

Sa mediacon kahapon ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ay nagka-chance interview ang ilang entertainment press at isa nga sa naitanong kay Manny Pacquiao ang tungkol dito.

Ayon sa boxing champ ay hindi naman daw sila naaapektuhan.

“Hindi naman siya (Jinkee) naaapektuhan nu’n dahil unang-una, hindi naman namin ninakaw ‘yung pera na ipinambili, pinaghirapan naman namin ‘yun,”  mabilis na sagot Pacman.

Proud nga sila na dahil sa kanilang pagsisikap ay nakakabili sila ng mga gusto nilang bilhin. “Proud kami na sa paghihirap namin, dugo at pawis ang puhunan, eh nakabili kami ng ganu’n and maging inspirasyon sana sa mga tao na kailangan nilang magsikap para matupad ‘yung mga pangarap sa buhay,” pahayag pa ng isa sa Senatorial candidates ng administration party.

Anyway, isa ang boxing champion sa inaasahang mananalo sa midterm elections:  “I’m hoping na manalo ako at makabalik sa Senado at magawa ko ‘yung mga gusto kong gawin.”

Pero ba’t ba siya babalik sa pulitika? Pwede na siya actually na maging masaya na lang sa buhay kasama ang family.

“Nandito tayo sa mundong ito, nag-e-exist tayo sa mundong ito because of a purpose, and that purpose, we should know and learn na kailangang ma-glorify ang Panginoon, makatulong tayo sa kapwa natin, magawa natin ‘yung saloobin ng Panginoon.

“Habang ako’y nabubuhay, ako’y magseserbisyo, tutulong sa abot ng aking makakaya sa sambayanang Pilipino.

“‘Yan ang commitment ko, kasi where I came from, talagang hindi ko ma-imagine kung ano ‘yung narating ko ngayon because of God’s mercy and goodness, blessings,” paliwanag pa ng boxing champion.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with