Delia D, ibibida ang mga iconic song ni Jonathan manalo

‘Mapapanood’ na ang kanta na naging bahagi ng mga teleserye ni Jonathan Manalo sa Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo.
Kabilang dito ang Gusto Ko Nang Bumitaw.
Minsan, ang mga kanta na nauuwi sa pagiging isang pop culture phenomenon at ito ang Gusto Ko Nang Bumitaw.
Orihinal na isinulat ni Manalo ang kanta para sa 2022 comeback album ni Sheryn Regis kasama ang ABS-CBN Star Music para ipakita ang kanyang makapangyarihang vocal range na may birit-heavy, universally relatable na track. Pero lalong lumakas ang epekto nito nang muling bigyang-kahulugan ng Asia’s Phoenix, Morissette, para sa hit series na The Broken Marriage Vow.
Halos 20 taon na ang nakararaan nang unang buksan ang Pinoy Big Brother gamit ang iconic opening theme na Pinoy Ako, co-written by Manalo, na talagang sabog.
Noong 2011 naman, nanalo si Angeline Quinto sa reality singing contest ng ABS-CBN na Star Power, at hindi na naging pareho ang kanyang buhay mula noon dahil sa Patuloy ang Pangarap.
Para naman sa nakatutok sa Pinoy Big Brother’s Teen Edition, imposibleng makalimutan ang kantang Kabataang Pinoy na co-written and composed by Manalo and performed by The Itchyworms.
Noon namang unang lumabas ang Paano Ba Ang Magmahal noong 2012, isinulat ito ni Yeng Constantino kasama si Manalo na orihinal na ni-record nina Liezel Garcia at Erik Santos. Pero lumakas ito noong 2015 nang muling i-record nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ito para sa pelikulang The Breakup Playlist.
Malapit nang malaman ng audience kung alin sa mga track na ito ang itatampok sa susunod na major theatrical production mula sa production outfit ng Newport World Resorts na Full House Theater Company.
Ang Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo runs from April 25 to June 8 at the Newport Performing Arts Theater.
- Latest